Philpost lilinisin ang paligid, gusali planong ayusin

LUNGSOD NG BAGUIO – Tatanggalin na ng Philippine Postal Corporation ang apat sa sampung concessionaires na nasa Baguio Post Office na hakbang upang linisin ang pasilidad bilang paghahanda sa rehabilitasyon ng sirang gusali.

Inutusan ni Postmaster General at Philippine Postal Corporation Chief Executive Officer Joel Otarra si Northeast Luzon Area Director Lorie Ann Atal at Department of Manager Mermalea Abalos upang makipagkita kay Mayor Benjamin Magalong noong Setyembre 23 at ipahayag ang plano ng tanggalin ang apat na stalls na nasa tabing daan harap ng Baguio Cathedral bilang bahagi ng kanilang pagsunod sa hiling ng mayor na linisin ang pasilidad.

Sinabi ng dalawang opisyal na apat na negosyo ang binigyan na 30 araw upang lisanin ang kanilang puwesto at sumang-ayon sila sa hiling na mabibigyan sila ng prayoridad sa oras na buksan sa business slots ang naayos na pasilidad matapos ang rehabilitasyon nito.

Ipinahayag ng mayor ang walang pagtutol sa planong i-rehabilitate ang gusali upang maging modern at malubos ang potensiyal na kumite ito at gayundin mapanatili ang makasaysayamg halaga nito.

Sinabi pa ng dalawang opisyal na ilang kompanya ang nagpahayag ng kanilang interes na magng partner ng Phiklpost sa pagsasa-ayos ng pasilidad upang maging economic enterprise ito.

Nauna dito ay nangako si Otarra na aayusin ang post office matapos sitahin ng mayor ang dikanais- nais at maruming kondisyon nito.

Ang post office na nakatayo sa isa sa pangunahing pag-aari ng Philpost ay nag-papaupa ng mga espasyo upang makalikom ng kita para sa pagpapanatili at operasyon nito.

APR-PIO/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon