PhP1.2 sira sa agrikultura sa CAR; Mt. Province nasa state of calamity

LUNGSOD NG BAGUIO – Nakapagtala ang Cordillera Administrative Region (CAR) ng kabuuang pagkasira na PhP1.2 bilyon halaga ng mga produktong agrikultura habang ang munisipalidad ng Paracelis sa Mountain province ay nagdeklara ng state of calamity dahil sa mga epekto ng El Nino.

“As of today, the estimated damage in the agricultural sector is at PHP1.2 billion, but it is still subject for validation,” ani Department of Agriculture (DA) senior agriculturist Lito Mocati noong nakaraang Miyerkoles.

Karamihan ng pagkasira ay sa high-value crops gaya ng mais, bigas at mga gulay. Sinabi niya na ang naitalang pagkasira sa mais ay mahigit PhP900 milyon; PhP380 milyon sa bigas; at mahigit PhP10 milyon sa highland vegetables.

Ayon pa kay Mocati ang mga probinsiya ng Ifugao, Apayao, at Abra ay nagsumite na ng kanilang mga ulat para sa kanilang agricultural damage loss.

Sinabi niya na kasalukuyan silang nakikipag-ugnayan sa Bureau of Soila and Water Management para sa iskedyul ng cloud-seeding sa rehiyon.

Samantala, ang municipal government ng Paracelis sa Mountain Province ay nagdeklara na ang bayan ay nasa ilalim na ng state of calamity dahil sa grabeng pagkasira na dulot ng tagtuyot.

“The Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council recommended the declaration of the entire municipality of Paracelis under a state of calamity due to dry spell,” pahayag ni Councilor Djarma Rafael.

Sinabi sa resolution na ang mga tanim ay nalalanta na dahil sa umiiral na tagtuyot at sanhi ng malawakang pagkasira ng mga produktong agrikultura.

“Not only with our agricultural products but also the prevailing dry spell has caused outbreak in our poultry, livestock and fishponds representing 70 percent in total damages in the agricultural sector of the municipality,” aniya.

Sinabi niya na ang resolusyon ng deklarasyon ay inaprubahan sa regular session noong Marso 26 na nilagdaan din ni Mayor Avelino Amangyen sa araw ding yun.

Ang Paracelis ay isang second-class municipality na sumasandal ng malaki sa agrikultura na karamahihan sa kanilang produkto ay mais.

PNA/PMCJr./ABN

Amianan Balita Ngayon