PHP3.7M HALAGA NG FUEL DISCOUNT CARD, IPINAMAHAGI SA 1, 259 CORN FARMERS SA ILOCOS REGION

Sep 17, 2022

SAN FERNANDO CITY, LaUnion – Namahagi ang Department of Agriculture-Ilocos Region ng panibagong batch ng P3,000 halaga ng fuel discount cards sa 1,259 Corn farmers, na umaabot sa kabuuang P3.7
milyon, sa mga lalawigan ng Pangasinan at Ilocos Sur noong Setyembre 9, 12 at 13. May kabuuang 697 fuel discount card ang inilabas sa mga magsasaka ng Pangasinan mula sa limang munisipalidad na
ginanap sa Balungao, Pangasinan noong Setyembre 9, habang 128 discount card din ang ipinamahagi sa mga magsasaka mula sa limang munisipalidad na ginanap sa Sual Municipal Wharf and Causeway sa Sual, Pangasinan noong Setyembre 13.

Ang mga aktibidad sa pamamahagi ay dinaluhan ng mga kawani ng DA-PREC Corn Program, OPAg Corn
Coordinator, at DA-LGU Municipal Corn Coordinators ng iba’t ibang munisipalidad ng Pangasinan Districts 1 at 2. Dumalo rin sa pamamahagi sa Balungao si Tayug Mayor Tyrone Agabas na kinatawan ni 6th District Congresswoman Marlyn Primicias- Agabas. Sa Ilocos Sur, ginanap ang distribution activity sa Candon City Covered Court noong Setyembre 12 kung saan 304 na fuel discount card ang ipinamahagi sa mga magsasaka mula sa walong munisipalidad sa 2nd district ng Ilocos Sur.

Noong Setyembre 13, 130 discount card ang ipinamahagi sa mga magsasaka mula sa apat na munisipalidad at isang lungsod sa 1st district ng Ilocos Sur, partikular sa Narvacan, Santa, Caoayan, San Vicente, at Vigan City na ginanap sa Provincial Livelihood Development Center sa Vigan City, Ilocos Sur. Dinaluhan ito nina Regional Director Segundina Gaerlan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources
Regional Fisheries Office 1 (BFAR-RFO1), Governor Jeremias “Jerry” Singson ng Ilocos Sur, kasama sina
Sanggunian Panlalawigan Member Singson, at Efren Rafanan.

Ang aktibidad ay pinangunahan nina Jomar Dayap, Agricultural Program Coordinating Officers (APCO) para sa Ilocos Sur at banner representative Mark Joseph Rala. Nagpasalamat naman ang mga magsasaka ng mais dahil malaking tulong para sa kanila ang programang ito para mabawasan ang kanilang gastusin sa gasolina, lalo na’t nalalapit na ang panahon ng pagtatanim ng mais.

Zaldy Comanda/ABN

RELATED POSTS

AMIANAN POLICE PATROL

2 Male minors arrested for possession of illegal drugs and airsoft guns Two minors involved in a commotion were arrested after they were...

HEARING AID

HEARING AID

DOH-Ilocos Region Chief of Local Health Support Division Jimuel S. Cardenas, hearing aid recipient -Ryan K. Palacay, Regional Director...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest