‘Pinas, hitik sa ‘peke’

Jun 25, 2017

Mariakusinang mahabagin, bumunghalit ka naman ng swerte. Bakit? Ba’y halos mga kamalasan na yata ang kinalulubluban ngayon ng ating kakarampot na isla ng Pilipinas, eh! Di na natapos-tapos ang mga ka-buwisitan.  Wagas na wagas kung bumanat eh. Ang sentro pa naman ay mga peke. Sus ginoong hubad!  Sandamakmak nga naman ang mga kapekehan sa ating bansa ngayon. Sige, bungkalin natin ang mga malas na yan pards. Pero bato- bato sa langit muna hane?

******

Simulan natin sa pangalan ng ating bansa. May nagpapanukalang dapat daw ay palitan na natin ang pangalan ng ating bansa. Na ang ibig sabyan: palitan ang katagang Pilipinas. Ng alin at anong kataga? Walang  ibinigay na suhestiyon ang nagpapanukalang mambabatas.  Hintayin daw natin. At bakit naman papalitan? Na-pepekehan daw siya dahil halaw ang salitang Pilipinas sa salitang banyaga mula Espanya. Dapat maka-Pilipino rin daw ang tunog. Dapat salitang atin talaga. Gaya ng burlis! Hoy, tumigil ka baka batuhin ka ng isang toneladang Martial Law. Sige, hintayin na lang natin kung saan hahantong ang naturang suhestiyon.

******

Kasunod ang sandamukal na nagsulputang mga peke.  Kung sa tao, may pekeng abogado; pekeng pari; pekeng doctor;  pekeng GRO, teka… meron ba? Meron daw. Yan ang mga nagkukunwari dahil sabik sa pera, hindi sa haplos.  Meron ding pekeng dentist, holdaper pala;  pekeng taga-BIR kuno gusto lang mangurakot ng datong mula sa mga hinuhuthutang negosyante;  pekeng pulis at sundalo iyon pala mga kidnaper;  pekeng masahista, salisi member pala;  at marami pang kapekehang tao.  Meron din kayang pekeng terorista? Malay natin. Di ba puwedeng maging kuno ay sibilyang residente ang isang taga-Maute para makatakas lang? Oo nga hane. At kung mga bagay na peke  sa Pilipinas, diyan tayo sikat na sikat.  Magmula sa sapatos pataas.  Grabe ang kapekehan. Kasi, marami namang bumibilib sa mga pekeng gamit dahil para daw original. Ang masaklap, baka ang pambili ay peke ring pera. Mula sigarilyo hanggang sa piyesa ng sasakyan, nakakalusot ang mga peke.  Kasi nga, mura. Pag nasira agad, makaka-pag-mura ka ng di oras.

******

Kamakailan lang, rumipeke ang mga peke. Meron daw pekeng bigas. May halong plastic daw at imported pa.Yan ang sabi nila pero wala pang ebidensiyang hawak ng mga gustong mag-imbestiga. Kaya sabi nila: walang pekeng bigas. May ganyan ng ulat noon, pero hindi rin nakalusot. Nagbalik, makakalusot kaya? Meron ding mga bumulagang pekeng news. Nagkalat sa social media. Gusto lang mapag-usapan ang gawa maski mali. Sila ang dapat palamunin ng pekeng bigas para magtanda. Joke nila: dapat yang pekeng bigas na yan ang gamitin sa unli rice. Sumunod na kontrobersiya ay ang pekeng akala o pekeng hinala hinggil sa kalusugan daw  ni Pres. Duterte. Tuloy, muling nag-machine gun ang dila ni Pres. Digong. Gusto raw ng mga kalaban niya na siya’y mamatay na para mamayagpag sila sa tuwa. Pati nga Martial Law sa Mindanao, naupakan na… ang sagot ni Digong: kung gusto nilang mapatunayan ang mga basehan sa deklarasyon ng batas-militar, sila (mga kontra) ay dapat  tumira sa Marawi.  Sabagay, ang gamit ng mga nag-giyegiyerahang grupo ay  tunay na armas at bala. Walang  pekeng bala. Higit sa lahat, hindi pekeng tao ang mga napapatay, sa hanay ng mga sundalo, pulis, residente at terorista. Tunay na giyera  ang nagaganap diyan at pinangangambahang lumala pa at mandamay ng ibang lugar.  Haayy buhay Pilipinas, kailan kaya tayo magkakaroon ng tunay at hindi pekeng katahimikan at kaginhawaan?  Abangan.  Adios mi amor, ciao, mabalos.

RELATED POSTS

QUITE UNDERSTANDABLE

Senator Loren Legarda is a champion of several causes including that of preserving and protecting the environment and promoting livelihood...

SINGKWENTA

On the day of commemoration of Martial Law, I decided to be poetic and cryptic, posting on my social media an allusion to the sinister...

URONG SULUNG

TILA BANTULOT ang mamamayan na alisin ang facemask sa kanilang mga mukha kapag nasa outdoor setting. Nitong mga huling araw, habang...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest