SUSMARYUSEP!!!@@??.. MONSTER ng Tsina pumasok uli sa Pilipinas? Oh my God! Hindi isang ANIME at hindi rin pelikulang karton. Totoong Monster Ship ng Coast Guard ng Tsina ang muling umentra sa teritoryo ng bansa kamakailan. Baka habang sinusulat ang espasyong ito…ay naroon pa sa karagatan ng Zambales. Sige, kaliskisan nga natin ire, mga pards: Nang unang lumitaw ang Monster ship ng Tsina sa Capones Island sa Zambales parang nagkibit balikat lang ang ilang kababayan natin. Baka raw nakikiraan lang. Pero nang pinakialaman na ito ng ating mga otoridad, lumayas ito.
Umalis at lumipat sa parteng Palawan na parte pa rin ng Pilipinas. Hindi nagtagal may sumulpot na naman ang barko ng Tsina sa lugal na inalisan ng Monster Ship. Dahil dito, humarang na ang dalawang barko ng Phil. Coast Guard. Buti na lang at naagapan. Pero teka lang, pards. Kung humarang ang dalawang barko ng Coast Guard natin sa dereksiyong tutunguhin sana ng barkong ito ng Tsina…ito’y pagpapakita na ng matapang na hakbang o determinasyon kontra sa Tsina, di ba? Eto ay deretsahang pagsasabi na hindi tayo natatakot kahit pa dambuhalang Monster Ship ang ipadala ng Tsina. Na tayo ay handang kumasa kontra kalaban kung kinakailangan. Tanong: kailangan na ba ito sa ngayon?
Diplomasya pa rin ang gustong pairalin ng ating pamahalaan. Ayaw natin ang gulo, ika. Kasi ayon sa mga analysts….kapag kumilos ang Pilipinas…tiyak madadawit ang ibang bansa. Kakalat yan hanggang sa lumaki ang sigalot na baka ang hantungan ay World War 3. Posibleng mangyari ito dahil kapag nasaling ang Pilipinas, gaya ng mga pangako ng ilang kaalyado natin na tayo’y hindi pababayaan. Ayaw nating mangyari ito…ito ang stand ng
Pilipinas. Tiyak mas maraming Pilipino ang ayon sa ganitong eksena lalo na sa mga kababayan nating nakaranas na kung ano ang GIYERA. Pero sa ilang kababayan natin na matagal ng nagtitimpi at asar na sa ginagawang pambubully ng China da atin….ang gusto nila ay UPAK na agad.
Kahit ngipen sa ngipen na. Tama na raw ang panego-negosasyon at pagtitimpi. Pero ayon sa mga analysts: hindi basta-basta ang isyung ito. Katunayan, hindi lang daw tayo ang ginaganito ng Tsina. Mas matindi raw ang nangyayari sa Taiwan . Kung sa atin ay parte lang ng teritoryo natin ang gustong pakialaman ng Tsina…sa Taiwan, buong bansa ang gustong kunin ng Tsina, ayon sa ulat. At may ilang mga bansa pa ang nagrereklamo sa pakikialam ng Tsina…dahil sa puntiryang LANGIS. In short…kung bakit nagkakaroon ng hidwaan ay dahil sa kayamanang dala ng langis sa karagatan. Hindi lingid sa buong mundo kung gaano kalaki at kalakas ang puwersa-militar ng Tsina. Malamang na may malaking dahilan kung bakit.
Yan naman ang tinututukan ng ibang bansa na hindi nila kaalyado. Dahil dito, ayon sa ilang analayst: dapat sigurong
pagtuunan din natin ang sariling kakayanan kung puwersa-militar ang usapan. Dapat daw ay lagi tayong handa sa ano mang ibubunga ng tensiyon ngayong panahon. Suma-total, punan ang kakulanangan natin sa depensa. Sa ngayon, tama lang ang ginagawa ng ating pamahalaan sa pagbili ng ilang mga kagamitang pangdepensa gaya ng mga ginamit ng US sa nakalipas na mga Joint Military Exercises. Dapat nga tayong sumabay sa teknolohiya ng kahandaan lalo pa’t tumitindi na ang tensiyon sa may West Phil. Sea. Marami tayong problema sa kasalukuyan, pampulitika man o pang-ekonomya. Lahat ng mga ito ay inaaksiyunan na ng ating pamahalaan.
Sabi nga ng mga maalam sa situwasyon na…ang pagkilos ay dapat kahit dahan-dahan ay legal at angkop na
solusyon ang tinatahak. Hindi maari ang pagkilos na Atras-Abante. Di makukuha sa mabilisan ang pagkilos. Kung
may Monster Ship ng Tsina sa ating teritoryo planuhin nating magkaroon din ng Godzila ng AFP pantapat sa kanila. Ang maitutulong natin ay pang-unawa at pagkakaisang tumulong at maging laging kabisig ng ating gobyerno. Hindi dapat umasa lagi sa kung ano ang maitutulong ng gobyerno sa atin…kundi kung ano ang maitutulong din natin sa pamahalaan. Sana may aral tayong naiwan sa isyung ito ng daplis. Bato-bato sa langit. Adios mi amor, ciao, mabalos.
January 18, 2025
January 18, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 10, 2025
February 10, 2025