Pinaslang na lalaki, natagpuan sa kalsada sa Abra

La Trinidad, Benguet – Nakahandusay sa kalsada nang natagpuan ang bangkay ng isang napaslang na lalaki sa sitio Balneg, barangay Salucag, Dolores, Abra noong gabi ng Nobyembre 2.
Sa kabila ng pahayag ni Dolores Mayor Robert Seares Jr. na ang naturang pagkakapaslang ng biktima ay personal at bunsod ng di pagkakaunawaan habang nag-iinuman, ang pagpaslang kay Sony Aldaca Pilor, 40, ng barangay Lubluba, ay masamang tanda sa iginigiit na “improved peace and order situation” sa probinsya na dati nang nabansagan na “Killing Fields” ng Cordillera.
Nakita ng mga pulis si Pilor na duguan at nakabulagta sa barangay road ng Salucag, Dolores dakong 9:20pm ng Huwebes.
Isinugod ito sa Dolores Medicare Community Hospital ngunit idineklara itong dead on arrival.
Walang maiturong suspek ang mga imbestigador, ayon sa pulis ng Abra.
Si Pilor ay nagtamo ng tama ng bala sa ulo at dibdib.
Natagpuan sa lugar kung saan nakitang nakabulagta ang biktima ang dalawang fired cartridge cases ng caliber 9mm. ACE ALEGRE

Police Patrol

AMIANAN POLICE PATROL

Amianan Balita Ngayon