Pinay Buyangyang, ininsulto ang Pinas

Sep 18, 2017

Anak ng…? %$#@*&…, susmaryusep! Ano bang mga dumarating na kamalasan sa ating bansa? Di pa man nakakaalis ang dalawang bagyong (mga babae) Maring at Lanie, binagyo naman tayo ng ala-Huricane na balita na nabulatlat pa sa sang-munduhan. Nag-viral sa buong earth ang pagbubuyangyang ng isang Pinay-UK na ang ginamit pa namang theme song ang anak ng talabang yan ay ang ating Lupang Hinirang! Yes, mga kabayan, ang ating minamahal at nirerespetong Lupang Hinirang, ang  ating Pambansang Awit ay lantarang binastos ng Damuhang transgender na yun. Sabagay, wala tayong paki kung ano na ang kanyang kasarian. Ang ganyang pambabastos sa ating Lupang Hinirang ang masaklap!  Yan ang ating tatalupan, pards. Pwesto!

******

Naka-swimsuit ang seksing si Ms. Maria Sofia Sanchez, (mawalang-galang sa mga kamag-anak niya sa ating bansa), tunay na maganda ang mukha at katawan. Bagay sa kanya ang suot na nakakapagpatindig maski patay na batuta. Gumiling. Ayos kasi bagay. Pero teka pards, hindi yata kanta ni Imelda Papin o ang Careless Whisper ni Kenny G. ang gamit na musika. Sus-Maryunes, Lupang Hinirang pards! Yes! Ang iginagalang nating Lupang Hinirang na ating pambansang awit  ang binababoy na! Anak ng talabang bakla, naman!!! Of all the music in the whole planet, yun pa ang pinagtripan ng tipaklong na ire? Ala e, kung malapit ka lang siguro sa atin ay naku, baka patatadtad na kita ng basuka sa Marawi eh! Aba’y saan mo ba naman kinuha ang kapal ng apog at pagmumukha mo upang yurakan nang ganyan na lamang ang ating Pambansang Awit?  Sinasaluduhan namin yan, hindi namin binubuyangyangan.  Grabe namang pag-iinsulto yang nilagay mo sa iyong FB.  Worldwide ang consumption, did yah know that men???, este, woman????

*****

Sandamukal ang nagalit.  Bumagyo, kumulog at kumidlat ang mga reaksiyon sa iba’t ibang panig ng mundo.  Kinondena ang buyangyang na ire. Dapat daw ay putulan! Ewan kung ano pa ang mapuputol natin diyan eh, transgender nga. Ah basta, dapat maparusahan upang di panularan, sigaw ng masa. Lalo sa panig ng mga moralista, nanggagalaiti na silang naghahanap ng tandem para putulan ang damuho/damuhang yan. Relaks lang pards, ang puso mo pati BP mo isama mo na ang yang atay mo kung meron ka pa. Hindi naman magpapabaya ang ating gobyerno diyan. Sa katunayan, sabi ng mga opisyal ng ahensiyang nakakasaklaw dine (National Historic Commission), kikilos sila sa tulong ng DFA o ang Dept. of Foreign Affairs na pinamumunuan ngayon ni Sec. (Senator dati) Allan Cayetano.  Kasi base sa ating Konstitusyon, malaking  paglabag ang ginawa ni Ms. Buyangyang. Maaari siyang magmulta mula lima hanggang dalawampung libong piso at kulong ng isang taon. Parang kulang yata ang parusa, di ba?  Dapat taasan pa upang matatakot ang mga nagbabalak bastusin ang ating Pambansang Awit o Lupang Hinirang.

******

Sa kabilang dako naman tayo humarap mga pards: Alam kaya ni Ms. Buyangyang na may batas tayo hinggil sa awiting yan? Kung sakaling nagtatago na siya ngayon sa UK, kailan kaya siya maibabalik dito sa Pilipinas upang panagutin? Tayo rin kaya ay sumusunod sa tuntunin ng batas hinggil sa pagrespeto natin sa Pambansang Awit?  Bakit daw sa ilang sinehan, naka-play na ang Lupang Hinirang, naglalaplapan pa rin ang ilang magpapares sa loob.  May mga bandila, watawat o flag tayong nakikita na gutay-gutay na, pero hindi man lang mapalitan. Kaya sa ginawa ni Ms. Buyangyang, nagkaroon tayo ng aral na magsalamin, tingnan ang ating sarili kung tayo ay sumusunod sa ating batas bilang Pilipino sa harap ng ating watawat at himig ng Lupang Hinirang. Siguro, panahon ulit na maglabas ang ating gobyerno ng tuntunin hinggil dito bago maulit ang ginawa ni Ms. Buyangyang.  Adios mi amor, ciao, mabalos!

RELATED POSTS

QUITE UNDERSTANDABLE

Senator Loren Legarda is a champion of several causes including that of preserving and protecting the environment and promoting livelihood...

SINGKWENTA

On the day of commemoration of Martial Law, I decided to be poetic and cryptic, posting on my social media an allusion to the sinister...

URONG SULUNG

TILA BANTULOT ang mamamayan na alisin ang facemask sa kanilang mga mukha kapag nasa outdoor setting. Nitong mga huling araw, habang...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest