PINGGANG PANGKALUSUGAN

Metro BLISTT

Muling pinasaya ng Barangay AZKCO sa pamumuno ni Punong Barangay Jeff Cheng ang mga nasasakupang residente sa ibinihaging native vegetable pantry, na may kasamang isdang bangus at tilapia, na isinagawang culminating activities sa pagdiriwang ng 48th Nutrition Month. Bukod sa gulay, nagkaroon din ng mass feeding sa mga kabataan at katandaan,cooking contest at Zumba.

Photo by Marilyn Barren

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

BAGUIO CITY – Muling pinasaya at binigyan ng pangkalusugan ang mga residente ng Barangay AZKCO sa programang “Pinggang Pangkalusugan” mula sa culminating activities sa pagdiriwang ng 48th Nutrition Month.

Unang isinagawa ang kauna-unahang Nutri Cooking Contest noong Hulyo 22, na kung saan ay limang contestant ang nagpakita ng kanilang masarap na lutuin na angkop sa tema na “New Normal na Nutrition Sama-sama Gawan ng Solusyon”, na ang premyo ay 1st Prize P3,500; 2nd Prize P3,000; 3rd Prize P2,000 at consolation prize.

Bukod sa cash prize, ang mga limang participants ay pinagkalooban ng tig-isang 25 kilos na bigas. Ang nanalo sa 1st Prize ay si Lani Bondoc mula sa niluto ning “Broccoli con Taufo”; pangalawa si Krizele Perez- “Kangkong con Taufu”;pangatlo Rhudilyn Caga –“Laswa Ilonggo; Pang-apat Gemmalyn Madiguid- “Ginataang Puso ng Saging” at pang-lima Mylene Lacxina-“Crispy Kankong”.

Sa culminating activities noong Hulyo 29, ang Pinngang Pangkalusugan ng barangay ay nakapag-bigay ng kasiyahan, kalusugan sa mga lumahok sa programa.