PITONG LABORER HULI SA DRUG DEN SA BAGUIO CITY

BAGUIO CITY

Pitong construction worker ang nasakote sa loob ng isang pinaghihinalaang drug den, matapos ang matagumpay na buy-bust operation na isinagawa ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency at BCPO Station 4 sa may Barangay Loakan Proper, Baguio City, noong Agosto 17. Ayon sa PDEA, nagsagawa sila buy-bust operation sa isang suspek, malapit sa apartment sa Purok Ongasan at matapos ang palitan ay agad nilang pinalibutan ang lugar at naaresto ang pitong lalaking nag-pot session.

Narekober sa mga suspek ang ilang sachet ng hinihinalang shabu at isang pakete ng marijuana sa isang kanto, ngunit matapos mabuksan ang kaha ng sigarilyo, isang bulto ng naka pack na shabu ang nadiskubre. May kabuuang 66 na
sachet ang nakumpiska at kasama ang isang nakabalot na marijuana na nagkakahalaga ng tinatayang P100,000.00 habang inaalam pa ang bigat ng substance.

Lumalabas sa imbestigasyon na iniulat ng komunidad ang kakaibang pag uugali ng mga nakatira ilang araw bago ito at matapos maberipika, sinimulan ng PDEA ang operasyon. Ang mga suspek ay hindi residente ng Baguio City at
pawang mga subcontractor worker ng isang semiconductor factory sa lungsod at papasok na sana sa trabaho bago
arestuhin. Lahat ng suspek ay nagpositibo sa drug test at nakakulong ngayon sa PDEA Regional Office para sa
dokumentasyon at paghahanda sa mga kasong paglabag sa RA 9165.

Zaldy Comanda with reports Darius Bajo/ABN

Amianan Balita Ngayon