Plano ng bagong barangay hall sa Kayang Hilltop, inihanda na

Iniutos ni Mayor Mauricio G. Domogan sa City Buildings and Architecture Office (CBAO) na ihanda na ang plano para trabahuin at ma-estima na ang gastos sa konstruksiyon ng bagong barangay hall ng Kayang-Hilltop. Maaari nang gibain ang lumang istraktura sa anomang araw dahil na rin sa pangit na ito sa paningin.

Nakasalalay sa taunang badyet na P1.776 bilyon ang pagpopondo sa bagong barangay hall ng Kayang-Hilltop sa direktibang ginawa ng pamahalaan sa CBAO.

Nagbaba na ng utos ang alkalde para sa pagbuwag ng mga iligal na istraktura na kasalukuyang ginagamit ang barangay hall na nagmistulang pamilihan ng kung ano-anong paninda at di umano’y pagho-host ng Bingo sa Barangay at mga gawaing illegal na pagpapatakbo ng pagsusugal.

Sinabi ni Domogan sa ginanap na Ugnayan, “While the budget is being reviewed by the concerned government agency, there is a need for CBAO to start preparing the program of work and cost estimates of the barangay hall so that it could immediately be bid out once the budget passes the review and its eventual implementation within the middle part of this year.”

Inamin nito na ang umiiral na istraktura ng barangay hall ng Kayang-Hilltop ay umani ng maraming reklamo ng publiko dahil di umano’y illegal na itinayo sa isang road right-of-way na kailangan maalis ito at mapalitan nang may kaayusan at maging maganda sa paningin.

Umapela si Domogan sa mga official ng barangay para sa pakikipagtulungan sa nalalapit na demolisyon ng kanilang kasalukuyang barangay hall na napagkasunduan para sa mas maaga at maging matiyaga sa paghihintay para sa pagtatayo ng bagong istraktura.

Sa ilalim ng mga probisyon ng Local Government Code, ang taunang badyet ng mga lokal na pamahalaan ay napapailalim sa pagrepaso ng mga rehiyonal na tanggapan ng kagawaran ng badyet sa loob ng 90 araw matapos ang nasabing badyet ay naisumite na sa paalaala ng ahensiya ng pamahalaan para sa pagsusuri. ABN

Amianan Balita Ngayon