BAGUIO CITY
Iniutos ni Mayor Benjamin Magalong ang mas mahigpit na implementasyon ng Plastic and Styrofoam Free Ordinance, upang maibsan ang nagiging epekto ng mga single use plastics sa siyudad. Ayon sa General Services
Office, mahigit 200 toneladang basura ang nakokolekta sa araw araw at karamihan sa bulko ng basurang ito ay galing sa mga single-use plastics. Ang basurang ito ay nagiging sanhi ng maraming iba’t ibang problema sa kapaligiran,tulad ng pagbara sa mga kanal at pagiging pugad ng iba’t ibang uri ng mga sakit.
Upang maibsan ang mgaproblemang resulta ng mga single use plastics, ipinasa ang Plastic and Styrofoam Free
Baguio Ordinance, na nag silbing reglumento sa paggamit ng plastic at styrofoam sa siyudad. Nakasaad na mahigpit na ipinag babawal ang single use plastics tulad ng mga sando bags o mga styrofoam products upang gamiting paglalagyan ng ano mang produkto galing sa mga negosyo sa ordinansang ito. Ipagbabawal na rin ang pag gamit ng tinatawag na ‘plastic labo’ para sa mga tuyong produkto.
Ayon kay Chief Enforcer Daryl Kim Longid ng POSD, dahil hindi pa nakasaad sa orihinal na ordinansa ang pagbawal sa pag gamit ng plastic labo, inaantay na lamang ang ilalabas na EO o Executive Ordinance ni Mayor Benjamin Magalong upang magkaroon sila ng basehan tungkol dito. Patuloy na hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang paulit ulit na pag gamit ng mga multiple use plastics o gumamit ng lalagyan tulad ng mga eco bag upang makatulong mabawasan ang problema sanhi ng mga single use plastics sa Baguio City.
Vannah Carlos/UC-Intern
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024