PNP’S KASIMBAYANAN PROGRAMS INILUNSAD NG PROCOR

CAMP DANGWA, Benguet – Kasunod ng matagumpay na paglulunsad ng “ KASIMBAYANAN ” (Kapulisan, Simbahan at Pamayanan), na programa ng PNP National Headquarters, tinularan ng Police Regional
Office-Cordillera (PROCOR) ang nasabing tagumpay sa pamamagitan ng opisyal na paglulunsad ng
“KASIMBAYANAN” na ginanap sa Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet noong Setyembre 26.

Ang seremonya ay pinangasiwaan ni BGen.Mafelino Bazar,regional director, kasama si Areceli San Jose,regional director ng Department of the Interior and Local Government (DILG) – Cordillera bilang panauhing pandangal at tagapagsalita. Ang programa ay nilahukan ng PROCOR Command Group, Regional Staff, at iba pang tauhan kasama ang iba pang Faith-based sector at non-government
organizations.

Isinagawa ang Ceremonial Signing & Recital of Pledge of Commitment and Support, ang presentation ng
KASIMBAYANAN AVP, at ang Ceremonial Pinning of KASIMBAYANAN PNP buttons ang naging highlights
sa seremonya. Ang mga mensahe ng suporta ay ibinigay ng mga kinatawan ng Faith-based na organisasyon at iba pang stakeholder.

Ipinahayag ni Bazar ang kanyang pasasalamat sa pagbibigay ng kanilang matatag na pangako at pag-ambag sa kapayapaan, kaayusan, at pagunlad ng rehiyon ng Cordillera. “Ako’y taos pusong nagpapasalamat sa inyong lahat who remains to be a strong ally of PROCOR. Ang aming matatag na pagsasama ay naging pundasyon ng aming inspirasyon upang patuloy na maglingkod sa aming mga
komunidad nang walang pagiimbot, “sabi ni Bazar.

Zaldy Comanda/ABN

RIBBON CUTTING

PLEDGE OF SUPPORT

Amianan Balita Ngayon