POLICE ASSISTANCE MAHIGPIT NA IPAPATUPAD SA CORDILLERA

BAGUIO CITY – Pormal ng nanungkulan si BGen. Mafelino Bazar, bilang bagong regional director ng Police Regional Office-Cordillera, matapos pangasiwaan ni PNP Chief General Rodolfo Azurin,Jr., sa isinagawang turn-over ceremony sa Camp Bado Dangwa,La Trinidad,Benguet,kaninang umaga,Agosto 13. Sa kanyang menasahe, hiniling nito sa buong kapulisan ng rehiyon na ipatupad ang programa ni Chief PNP, ito yong MKK=K (Malasakit,Kapayapaan,Kaayusan=Kaunlaran) at maachieve lamang ito kapag ginawa ng PNP ang role nila sa community. “

Isa rin sa programa natin na hihilingin ko sa ating kapulisan na mas pabilisin pa ang pagtugon sa police assistance. Alam naman natin ang Cordillera ay sentro ng turismo at malimit ang tawag para sa police assistance at gusto ko sana mabilis ang respond ng ating pulis,” ayon kay Bazar. Sinabi ni Bazar na malaki ang inaasahan ng publiko sa pulisya kaya hindi magiging magandang rekord ang pagkabigo sa kanila. Agad din ipinag-utos ni Bazar na gawing hindi hihigit sa limang minuto ang kanilang response time para sa mga emergency call ng pulisya. “Buckle up for I intend to hit the ground running.”

Nanawagan din siya sa mga pulis sa rehiyon na ituloy ang koordinasyon at ugnayan sa iba pang ahensya sa gobyerno para sa pagpapatupad ng ELCAC (ending local communist armed conflict) program na pinangako ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ipagpapatuloy sa ilalim ng kanyang administrasyon. “Wala na ang mga araw kung saan ang tanging senyales ng gobyerno ay ang presensya ng mga unipormadong tauhan sa malalayong komunidad. Ipinahayag din ni Bazar na magkakaroon ng reshuffle ng kapulisan sa rehiyon.”

May mga nag-signify na kasi gusto pumunta sa ibang assignment,kasi matagal na sila sa puwesto. Ito naman ay kailangan para naman magkaroon ng interes o’ motivation ang isang pulis na magamit niya ang kanyang mga programa sa isang lugar. PHOTO CAPTION TURN-OVER OF COMMAND – PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr., handed over the command flag to BGen. Mafelino Bazar, as the new regional director of the Police Regional Office-Cordillera, during the turn over ceremony at Camp Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet this morning, August 13.

Photo by Zaldy Comanda

Amianan Balita Ngayon