“Political Will” kaysa closure ng Baguio

Jan 10, 2019

Ang tanong kailangan bang isara sa turista ang lungsod ng Baguio upang ito ay malinis at maging maayos? Ang tanong Pareng Badong e ano isasara ang Baguio City, kasla da met aguuyong (para naman silang sira ang ulo). Bakit beach resort ba ang Baguio? E ano na lang mangyayari sa mga negosyo, eskwelahan, mga estudyante na hindi taga-Baguio, hindi muna papapasukin? At isa pa, dagdag ni Pare Badong, kailangan kasi ng mga pulitiko ang “political will” para ayusin ang problema sa karumihan ng Baguio at problema sa trapiko.
Ayon naman kay Pareng Gary na isang environmental safety officer, hindi kailangan na isara ang Baguio dahil una, anya, ito ay hindi beach resort at kung ano man ang dapat gawin ay magsagawa ng per barangay na inspeksyon sa mga sewer lines. Ito ang dapat na gawin ng lokal na opsiyal pero ang tanong e magagawa ba nila e busy na sa pamumulitika? Siguro sabihan ni Mayor Domogan ang kanyang mga opisyal sa city engineering at sanitary na magsagawa ng evaluation sa mga sewer lines.
Napansin ko, anya, na halos lahat ang bagsak ng dumi ng tao ay patungong Balili River at sa Bued River e ayon kaya napeste ang dalawang ilog.
Isang halimbawa, aniya, ay ang sewer lines ng mga taga-Quirino Hill, lahat yan papuntang Balili River, ang taga-Quezon Hll papuntang City Camp Lagoon yan.
Kaya ang suggestion ko ay habang hindi pa maulan ay ngayon nila isagawa ang paglilinis ng mga sewer lines para hindi bumaha sa ilang mga lugar.
Sa ganang akin lang ani Pare Badong ay yung “political will” ng mga nakaupo lalo na si Domogan kaso mukhang nagsasawa na ang tinaguriang “Janitor ng Baguio” sa paglilinis sa lungsod at kung tutuusin ay hindi rin dapat iasa sa lokal na pamahalaan kundi tayong mga taga-Baguio ay dapat tumulong sa paglilinis ng lungsod, dapat umpisahan rin natin sa ating mga bakuran sa barangay at sa kabuuang lungsod ng Baguio. Hirap kasi sa atin ay palaasa sa kung ano ang proyekto ng gobyerno, dapat ay sa pribadong sektor din ay magsagawa ng paglilinis ang mga hotel, restaurant at lahat ng establisimyento sa lungsod lalo na sa central business district na siyang pinaka “sala” ng Baguio.
Binatikos din ni Pare Badong at Pare Gary ang isang news na lumabas sa telebisyon na dapat isara ang lungsod upang ito ay malinis. Naku, ika nga, nila bias ang TV na yan kahit kelan.
Anila, mas unahin ng gobyerno ng Baguio sa pamumuno ni Domogan at Kongresman Mark Go ang paglilinis sa Baguio at pagsasaayos ng trapiko at kailangan na magkaroon ng reorientation ang mga eskwelahan na tumulong sa kalinisan at kaayusan ng lungsod. Disiplina rin ang ipairal sa mga barangay upang magkaroon ng lingguhang clean up drive sa barangay. At kapag ipinilit ng DENR na isara ang Baguio mag-rally na tayo sa harap ng Malakanyang, ano sila sinuswerte?

RELATED POSTS

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest