POLITIKAL NA PAGBABAGO MAY PAG-ASA PA SA MABUTING PAGPILI

Sa bawat halalan, marami ang umaasa na matapos nilang makaboto ay mangyayari ang pagbabago. Ang “pagbabago” na paulit-ulit at palagiang tema at bukambibig sa mga eleksiyon, subalit nananatili pa rin tayo sa kung nasaan tayo na tila walang hanggan. Siyempre may mangangatuwiran na may mga nangyari namang pagbabago, ngunit ang gayong mga pagbabago ay hindi maiiwasan, mga pagbabago na dulot ng anumang bagay maliban sa mabuting pamamahala at mabubuting pinuno.

Halimbawa na lang ang kaunlaran. Bawat pinuno, sa lokal man o sa Pambansa ay isinasauna ang kaunlaran, subalit nasasadlak pa rin sa kahirpan ang karamihan, kulang sa trabaho, hindi natutupad na pangakong mga pabahay, at mabagal pa ring imprastruktura at iba pa. Ang napipintong halalan sa 2025 para sa mid-term elections ay muling makikita kung ano ang magiging uri ng ating politika sa susunod na mga taon. Nagiging tila sarsuela na muli ito dahil ipinapakita na sa mga nagpila pa lamang nga mga kandidatura ay mababanaag mo ang kahinaan ng ating sistemang politikal.

Ang mga partido politikal sa Pilipinas ay patuloy na humihina, na kalimitang linilikha upang itulak ang isang kandidato bago kumupas sa pagkakaroon ng halaga. Nalilimitahan ang pagbuo ng matatag na mga partido politikal dahil ang kasalukuyang namumuno ay nasa posisyon na lubos na suportahan ang mga kaalyado. Ang mga partido ay kalimitang nagsisilbi na makipag-alyado sa iba’t-ibang politikal na pamilya at karaniwan na para sa mga politikong nahalal na nasa natalong mga partido ay lumipat ng kakampi sa partido ng nanalong pinuno.

Ang kapangyarihan ng mga tradisyunal na elitista sa labas ng gobyerno ay ipinapakita rin ang pagbuo ng mga malakas na pambansang institusyon. Ang malawak na demokratikong politikal na debate ay nauugnay sa konsepto ng mabuting pamamahala, sa halip na mga politikal na pagkilos na may kaugnayan sa antas. Ang pananatili ng kahirapan ay malawakang iniuugnay sa politikal na pakikipagtalatasan sa harap ng korapsiyon. Ang mga kampanya ay nakatutok sa mga personal na katangian at mga record, sa halip na mga plataporma ng partido.

Ang mga politiko sa lokal at pambansang antas ay kalimitang dinastikong mga kandidato o mga sikat na artista. Ang dinastikong politika ay napaka-pangkaraniwan. Ang mga miyembro ng Kongreso at mga lokal ng opisyal ng gobyerno ay maaaring mahalal hanggang tatlong termino, gayunman ang mga posisyon ay karaniwang ipinapasa mga miyembro ng pamilya. Napakalaking porsiyento ng matataas na lokal na halal na mga opisina ay hawak ng isang dinstikong kandidato. Para sa parehong dinastikong mga kandidato at mga artista, ang pagiging pamilyar ng botante sa kanilang mga pangalan ay pinapaniwalaang magdadala sa kanila sa tagumpay sa eleksiyon.

Ang antas ng edukasyon ay mauugnay sa pagboto sa bawat tipo ng mga kandidato kung saan ang mga mas kaunti ang edukasyon ay malamang bumoto sa mga artistang kandidato at ang mga may mas mataas na edukasyon ay malamang na boboto sa dinastikong mga kandidato. Habang ipinagbabawal ng Saligang Batas ang political dynasties, kapansin-pansin na wala pang lehislasyon ang naipapasa upang bigyan-kahulugan kung ano’ng ibig sabihin nito. May limitadong epekto ang mga limitasyon ng termino sa mga dinastikong ito, kaya hanggang ngayon ay papalit-palit lang at paulit-ulit lang ang mga magkakapamilyang kandidato.

Ang politika ay dinodominahan ng isang makapangyarihang elitista, kung saan ang dinastikong politika ay pangkaraniwan kapuwa sa lokal at pambansang antas. Mahina ang mga partido political, na sa halip na pinapangibabawan ng indibiduwal at magkakapamilyang mga personalidad ang mga halalan. Ang mga potilikal na posisyon ay nagbibigay ng maraming oportunidad para tangkilikin, at ang pagkakaroon ng “suki” at pandaraya ay karaniwan. Malawak ang korapsiyon, habang mahina ang estado.

Bagama’t duda ukol sa potensiyal para sa politikal na pagbabago, malaki pa rin ang suporta ng publiko sa demokrasya at katunayan nito ang mataas na bilang ng mga boboto. Hangga’t pinapayagan ang maraming kandidato para sa iisang upuan ay ibayong pagsusuri at pagkilatis ang nararapat gawin ng isang botante – mahirap man o mayaman, may pinag-aralan man o wala at bata man o matanda. At kung hindi tayo makarating sa mataas na antas ng pagkilatis ay huwag namang pikit-matang iboto ang isang kandidato bagkus ay piliin na lamang ang akala
niyong pinakamabuting kandidato upang huwag magsisi sa huli.

Amianan Balita Ngayon