Prank, dropped calls binaha ang Baguio City 911 pilot run

Metro BLISTT

LUNGSOD NG BAGUIO – Bumaha ng prank at dropped calls ang call logs ng Baguio City Emergency 911 na sinimulan ang pagsubok noong Oktubre 12 na nag udyok ng apela mula kay Mayor Benjalin Magalong sa mga gumagamit na huwag magloko sa linya upang maiwasan na mahadlangan ang mga lehitimong tawag lalo na ang mahahalaga.

“It is expected that people would want to test the line out of curiosity and it is fine as long as you signify that these are test calls. However, if your intention is to jam the line, confuse or just play a trick to the responders, then please refrain from doing so,” apela ng mayor.

Sinabi ni Executive Asst. V Felipe Puzon ng Office of the City Mayor na siyang nangangasiwa sa smart city city command center na ang linyang Baguio 911 ay nakapagtala ng kabuuang 8,673 na tawag mula ng mabigyan ito ng “go live” status noong Oktubre 12.

Sa bilang na ito, 3,907 ay prank calls o mga birong tawag at 3,038 ay dropped calls.

Base sa arawang rala ng command center, ang case related ng mga tawag ay may kabuuang mahigit 600 kasama ang follow-up at feedback calls.

Ang mga lehitimong tawag na natanggap ay tumugon sa medical emergencies, police assistance, mga aksidente sa sasakyan, mga krimen, mga problema, mga kaso ng pagpapakamatay at rescue assistance.

Sinabi ni Puzon na kasunod ng pagbibigay ng go live status sa smart city command center ni Emergency 911 National Executive Director Diosdado Valeroso, ang lungsod ay nagawang paganahin ang sistema sa Philippine Long Distance Telephone (PLDT) kasama ang integrasyon ng lahat ng emergency hotlines.

Nakumpleto na ang cross connection sa pagitan ng PLDT at Smart Communications company upang sa gayon ang lahat ng ginawang emergency calls sa pamamagitan ng Smart ay maaari na ngayong matanggap sa Baguio 911.

Ang katulad na kasunduan ay kasalukuyang ginagawa na ngayon sa Globe Telecommunications na kasama ang Emergency 911 national office at ang Dept. of Interior and Local Government.

Sinabi ni Mayor Magalong na sa Baguio 911, maaaring ma-access ng mga residente ang mga programa at serbisyo gaya ng emergency response, disaster preparedness, smart mobility and transit at health care, na maisasama sa pamamagitan ng Baguio in my Pocket (BIMP) application.

(APR-PIO/PMCJr.-ABN)