Nagkaisang nagsagawa ng panalangin ang iba’t ibang sekta ng relihiyon sa Malcolm Square noong Oktubre 6, 2019 na pinangunahan ng mga pinuno ng simbahan ng Roman Catholic, Muslim Students of the Almaarif Educational Center, Indian, Assemblies of God, United Church of Christ in the Philippines at Hindu Temple para sa kaligtasan at proteksyon ni mayor Benjamin Magalong at ng kanyang pamilya matapos makatanggap ng mga pagbabanta sa buhay ng alkalde kaugnay di umano sa pagsisiwalat nito ng katotohanan sa Senado laban sa umano’y pag-recycle ng droga na kinasasangkutan ng mga opisyal ng pulisya. Pinasalamatan ni Magalong ang sektor ng relihiyon at ng kanyang mga suporter para sa mga panalangin ng proteksyon na kailangan niya at ng kanyang pamilya. “Ito ang magbibigay inspirasyon sa akin upang magpatuloy sa pakikipaglaban para sa kung ano ang tama at para sa katotohanan” ani Magalong.
Mar Oclaman /ABN
October 14, 2019
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025