Prayoridad na proyekto ng Sto. Nino Barangay, tatapusin bilang legacy

Community Billboard

LUNGSOD NG BAGUIO – Nabigyan ng huling pagkakataon si Sto Nino Slaughter Compound Punong Barangay Camilo P. Tacbas para sa kanyang huling termino ng pamumuno sa kanyang barangay.

Sinabi ni Tacbas, “hindi ko inaasahan na makuha uli ang tungkuling ito bilang Ama ng barangay, alam ko na intelihente ang naging katunggali ko na dati na namin naging kasama at tinuruan, ngunit ganunpaman ay karapatan niya ito dahil malaya ang bawat isa sa atin kung sino nais maglingkod sa barangay.

“Subalit sa mga nasagap kong kuro-kuro ng mga botante ay gusto pa raw nila ako makatapos sa huling termino ko at upang matuloy na ang mga nabinbin na proyekto bilang legacy ko sa barangay.

“Hangga’t kaya ko ay gagawin ko ang mga dapat isakatuparan na makumpleto ang mga proyekto na kailangan ng aking mga ka-Purok.

“Una rito ay ang pag-segregate ng slaughterhouse compound at palakarin na namin ang signature campaign ng mga owners at homeowners para maisumite na namin kay Congressman Mark Go upang maisama sa House Bill ang Proclamation 312 na itong Sto Nino ang ibinilang na ehemplo para maitulad rin sa ibang barangay na maipatupad na sa barangay ang segregation at bayaran na rin ang kanilang mga bahay na yearly amortization.

“Tungkol naman sa rehabilitation ng Barangay Hall ay isasama na natin ito sa anim na palapag na proyekto na North Bound Terminal, dahil kung gagastusan na natin ipaayos ang barangay hall na P3 milyon ay masasayang lang ang materyales nito kung babagbagin rin lang ito. Samantala, ayon sa investor ng proyekto ay regalo na nito na mabigyan tayo ng isang palapag na kasama na ang Multi Purpose at Barangay hall maraming ispasiyo na pwede natin ilagay.

“Kaya nagpapasalamat pa rin ako sa mga nagtiwala sa akin na mamamayan sa barangay at sa mga kasama kong kagawad officials ay pagkaisahan nating magtulungan gawin ang tama at nararapat para tuloy-tuloy na ang progreso at pag-unlad ng ating barangay para sa kinabukasan na rin ng ating mga anak at henerasyon,” ani Tacbas. ABN/ Mario D. Oclaman