Presyo ng gulay, nagbabadyang magtaas sa Baguio City

Feb 16, 2018

LUNGSOD NG BAGUIO – Nakatakdang magtaas ang presyo ng gulay sa pamilihang bayan ng lungsod ngayong darating na mga linggo kasabay ng pagbaba ng supply ng mga gulay galing sa iba’t ibang bahagi ng Benguet.
Ayon sa ilang vendors sa City Public Market, isang dahilan ng pagbaba ng supply ng mga gulay ay dahil sa pagbaba rin ng temperatura sa ilang bahagi ng Benguet na nagdudulot ng frost bite na sumisira sa mga pananim.
Simula noong nakaraang linggo mas bumaba ang temperatura sa iba’t ibang bahagi ng Benguet. Inaasahan ng mga vendors na sa mga darating na linggo ay mas magiging malamig pa ang panahon at maaaring magresulta sa pagbaba ng supply ng mga gulay. Ayon kay Mylene Babsa-ay, isang vegetable vendor, mahirap hulaan kung kailan bababa o tataas ang mga presyo ng gulay dahil ang mga suppliers nito kung minsan marami nila ibagsak ang mga gulay at minsan naman ay kaunti.
“Minsan kasi biglang bababa at biglang tataas naman ang presyo pero inabisuhan na ako ng supplier ko baka this week magtataas na ang prices kasi nga mas kaunti yung harvest nila and depende din kasi sa klase ng gulay kung ano yung mataas at kung ano yung mga mababa. Kadalasang mga broccoli, lettuce, at cabbage ang mga nagtataas,” aniya.
Sa inaasahang pagdagsa ng mga turista para sa Panagbenga Festival, malaki ang pag-asa ng mga vendors na mas magiging maganda rin ang bentahan ng gulay kahit na mataas o mababa ang presyo dahil isa ito sa mga nakagawian nang bilhin ng mga turistang dumarayo sa Baguio.
Magtatagal ang pagtataas ng presyo ng mga gulay hanggang matapos ang Pebrero kung kailan magsisimula na ring uminit ang klima. ALLAN LEMUEL C. SUNGA, UB Intern

RELATED POSTS

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest