PRO -1 hindi natutulog sa kaso ng 15 anyos na bata laban sa mga suspekt na pulis

CAMP FLORENDO, SAN FERNANDO CITY, LA UNION—Nanawagan si P/Brig.Gen Rodolfo Azurin Jr sa mga concern sa pagkakapaslang sa isang 15 anyos na dalagita na huwag nang magturuan at magsisihan kung ano ang nararapat na solusyon sa pagkakapaslang sa nasabing biktima noong nakaraang linggo sa bayan ng Cabugao, Ilocos Sur.

Siniguro naman ni Azurin na ginagawa nila ang lahat ng paraan upang masolve ang nasabing kaso at mapanagot ang mga nasabing suspek at mabigyan ng hustisya ang kanyang pagkakapatay at ang panggagahasa sa kanyang pinsan.

Ipinaliwanag pa ni Azurin na ang mga pulis sa ilalim ng PNP Integrity Monitoring at Enforcement Group at ng Women and Children Protection desk ng Ilocos Sur Provincial Police Office ay nagsampa na ng two counts of rape laban kina Staff Sergeants Randy Ramos at Marawi Torda at obstruction of justice naman ang isinampa kina Cabugao Chief of Police Captain Ramil Llarenas at kasama si Cabugao police WCPD officer Staff Sergeant Merly Joy Pascua at Barangay Chairman Ricardo Quilala sa tanggapan ng Department of Justice sa Manila.

Matatandaan na nasibak ang hepe ng Cabugao Police at Ng San Juan Police kasama ang 35 na police personnel upang hindi na mabahiran ng impluwensay sa nasabing imbestigasyon ng kaso ng pagpatay at panggagahasa sa mga nasabing biktima

“As such, we cannot assure their return at the said police stations for we will be stringently vetting and screening all personnel to be assigned at the Ilocos Sur police provincial police
office.”, ani Azurin.

Hiniling din ni Azurin na isagawa ang ballistic examination sa mga baril ng dalawang suspek na pulis sa tanggapan ng Fire and Explosives Division ng PNP Crime Laboratory upang malaman kung ang kanilang mga service firearm ang kanilang ginamit sa pagpaslanag sa 15 anyos na dalagita.

He said that “for now is not the time for finger-pointing, for this will not help in the speedy resolution of the case.” What we need now is cooperation and concerted effort (to bring justice to the victim).

Idinagdag pa ni Azurin na hindi nila ito bibitawan hanggang hindi nabibigyan ng hustisya ang pagkakapaslang ng dalagita at sa kanyang pinsang babae na kasamang menolistiya ng mga suspek.

Ace Alegre/ABN

Amianan Balita Ngayon