PRO1 TOP BRASS, PASADO SA SUPRISE DRUG TEST

CAMP BGEN OSCAR M FLORENDO

Nagsagawa ng surprise drug test ang Police Regional Office 1 sa mga matataas na opisyal at drug operatives, matapos ang command conference na pinangunahan ni Brig.Gen. John Chua,regional
director, noong Abril 12. Napag-alaman nab ago matapos ang conference ay pinagbawalan ni Chua ang mga dumalong police personnel na lumabas ng conference room at sinabihan na ang lahat ay
sasailalim sa drug test. Batay sa ulat ng Regional Forensic Unit 1, isinailalim sa drug test ang 38 Police Commissioned Officers kabilang ang mga senior officers ng PRO 1, at 7 Police Non-Commissioned Officers at lahat ay negatibo sa paggamit ng ipinagbabawal na droga.

Bago ang conference, una ng isinailalim sa drug test ang 29 personnel ng Regional Drug Enforcement Unit at lahat ay negatibo rin sa paggamit ng droga. Labis na ikinasiya ni Chua ang naging resulta ng surprised drug test. “Ang pagsasagawa ng drug test na ito ay bahagi ng aming regular at patuloy na pagsisikap sa pagpapanatili ng mga tagumpay ng Internal Cleansing program ng PNP.” “Ang pagpapatupad ng aming pinaigting na kampanya laban sa iligal na droga ay dapat
magsimula sa loob ng aming organisasyon at masaya akong tandaan na ang Police Regional Office 1 ay nananatiling isang drug-free na organisasyon,” pahayag pa ni Chua

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon