Produkto ng Cordillera, tampok sa 2017 Impakabsat sa Alabang

Kabilang ang pinakamagagandang produkto mula Cordillera Administrative Region (CAR) tulad ng mga gawa sa kahoy at kawayan, mga hinabi, gamit sa bahay, palamuti sa katawan at at iba magagandang ipanregalo sa Pasko ang kasalukuyang ipinapakita sa Carousel Court sa Festival Supermall, Alabang para sa 2017 Impakabsat regional trade fair.
Ang Impakabsat ay nalikhang pangalan mula sa unang letra ng mga probinsya ng Cordillera na Ifugao, Mountain Province, Abra, Kalinga, Apayao, Baguio, at Benguet at inihalo sa salitang Iloko na “kabsat” na ibig sabihin ay brotherhood.
Ang trade fair ay magtatapos sa November 26.
Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Cordillera Information Officer Joel Arthur Tibaldo na lahat ng produktong naka-display ay gawang Cordillera at ang mga bagong items ay mahusay na ginawa upang iangkop sa estilo at pinahusay ng mga eksperto.
Ang Impakabsat ay nagsimula noong 1991 pagkatapos ng 1990 killer quake na tumama sa Baguio at iba pang bahagi ng Northern Luzon upang mapalakas ang economic activity ng rehiyon. Simula noon, ito ang naging pinakahihintay na trade fair sa National Capital Region na nagpapakita ng mga pinakamahusay na produkto sa rehiyon.
Ayon pa kay Tibaldo, ngayong taon ay umaasa silang malalampasan nila ang sales record noong 2016 na nagkakahalaga ng P55 milyon.
Inimbitahan niya ang mga mamimiling samantalahin ang nasabing event at nang makita ang pinakamahusay na produktong Cordillera sa rasonableng presyo bilang bahagi ng kanilang holiday shopping. PNA / ABN

Amianan Balita Ngayon