Programang pangkalusugan, isinagawa ng PHO

LA TRINIDAD, BENGUET – Nagkarooon ng aktibidad ang Provincial Health Office sa open gymnasium, Capitol, para sa pagdiriwang ng Heart Month, Oral Health Month, Leprosy Week at Cancer Awareness noong Pebrero 27, 2018.
Ang tema ng aktibidad ay “Strengthening Awareness on Integrated Health Programs” at nilahukan ng mga empleyado ng Benguet Provincial Capitol.
Dakong 7:45am nagsimula ang pagrehistro ng mga lumahok. Kasunod nito ay ang screening ng kalusugan ng mga empleyado na pinangunahan ni provincial health officer Cirila Sabiano, Medical Technologist II.
Tinalakay din ang tungkol sa healthy lifestyle at oral health na pinangunahan ni Dr. Jocelyn Legaspi, rural health physician.
Nagkaroon din ng libreng bunot, pagkuha ng presyon ng dugo at body mass index, uric acid o cholesterol test at blood sugar test. Mayroon ding libreng skin screening at pagkakaloob ng mga ointment para sa balat.
Ang naturang aktibidad ay nagaganap taon-taon upang mapalakas ang kamalayan sa mga iba’t ibang programa tungkol sa kalusugan at upang mapanatiling malusog ang mga mamamayan. MICHAEL R. MARTINEZ, UB Intern

Latest News

Amianan Balita Ngayon