PROJECT GATAS tulong sa malnutrisyon, pagkabansot ng mga bata sa Candon City

LUNGSOD NG CANDON, Ilocos Sur – Pitumpung kulang sa nutrisyon at bansot na mga bata na may edad tatlo at pataas sa mga piling barangay dito ang nagumpisa ng kanilang 120-araw na milk feeding program sa ilalim ng G.A.T.A.S (Galak At Tangkad para sa pag-Angat na Sagot sa malnutrisyon ng mga chikiting ng Candon City), isang programa na inisyatibo ni Ilocos Sur Second District Representative Kristine Singson, at partnership pamahalaang lungsod.
Inilunsad noong Marso 19, ang G.A.T.A.S ay layong mapalakas ang pagsusulong ng local na gatas at mga produkto ng gatasm kaya, taman-tama sa pagtugon sa isyu ng kahirapan sa pagsagip sa mga bata mula sa malnutrisyon at pagkabansot.
Ang mga nasabing benepisaryo ay mula sa mga piling barangay ng lungsod na may pinakamataas na bilang ng naitalang malnourished na mga bata, na mga barangay Bagani Campo, Bagani Tocgo, Bagani Ubbog, Calaoaan, Calongbuyan, Paras, Paypayad, Langlangca 1st, Caterman, Allangigan 1st at Allangigan 2nd.
“From the feedback that we are getting from the Barangay Nutrition Scholars (BNS) and the parents, the kids are loving the milk. We expect an increase in their weight during the monthly weigh in. The kids are more active and lively now,” pahayag ni Rep. Singson. Idinagdag niya na may plano sila na gayahin ang proyekto sa mga natitirang barangay dpende sa bilang ng kulang sa timbang at bansot na mga batang natukoy.
Maliban sa mga pakinabang sa kalusugan ng proyekto sa mga benepisaryo, sinabi ni Rep. Singson na mabebenipisyuhan din ng programa ang mga farm workers dahil lalaki ang pangangailangan sa gatas.
“The milk is extracted from imported dairy cows and pasteurized and bottled in a local dairy farm,” aniya. Idinagdag ni Rep. Singson na sa panahon ng pandemya sa COVID-19, ang tamang nutrisyon ay hindi dapat kaligtaan lalo na sa mga bata, kaya, layon ng proyekto na alisin ang mga kaso ng malnutrisyon at pagkabansot ng mga bata na nanganganib dulot ng pandemya.
“Para sa mga chikiting na araw-araw na tumatanggap ng gatas, natutuwa ako na nagugustuhan ninyo ito at nawa ito ay makapagdulot sa inyo ng mas maayos na kalusugan. Salamat din sa mga magulang at mga BNS na nakikipagtulungan sa atin sa programang ito. Lubos akong nagagalak dahil sa inyong suporta sa ating mga programa at malasakit sa ating mga kabataan,” dagdag ni Rep. Singson.
Hindi maikakaila na ang 120 araw ay napaikli upang makita ang progreso subalit sinabi niya na hinahangad din ng proyekto na ituro sa kanilang mga pamilya ang mga nutrisyonal na benepisyo ng gatas para sa mga bata.
Isa pa, isang simpleng programa angisusunod sa pagbibigay gawad sa mga nagkaroon ng pinakamabigat na timbang ng mga piling barangay matapos ang pagkumpleto ng milk feeding program.
JMCQ-PIA IS/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon