PROYEKTONG “READ YOUR WAY OUT”, ILULUNSAD SA CITY JAIL

BAGUIO CITY

Inihayag ng Baguio Family and Friends Lions Club (BFFLC), sa pangunguna ni Engr. Susan Angaga, PMJF Zone Chairperson at Immediate Past President, para sa proyektong “READ YOUR
WAY OUT”, naglalayong magbigay ng karagdagang pagkakataon para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) na mabawasan ang kanilang sentensya sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga libro at mapalawak ang kanilang kaalaman.

Inihandog ni Engr. Angaga ang mga donasyon tulad ng lamesa, pintura, libro, kahoy at iba pa na kailangan para sa proyekto. Sa pakikipanayam kay Senior Jail Officer IV Rocco O. delos Santos, kamakailan ay nagkaroon sila ng seminar sa Maynila kung saan kasama ang mga personnel ng United Nations, kabilang ang mga kinatawan ng Brazil, Australia, at Thailand. Sa nasabing seminar, kanilang napansin ay ang pagkakaroon ng isang library sa loob ng kanilang mga kulungan.

“Mahalaga ang pagkakaroon ng policy at regulation para sa tamang pagpapahiram at pagbasa ng mga aklat sa mga kulungan. Kailangan din ng mga evaluator upang matukoy kung nabasa na ng mga PDL ang mga aklat at kung naintindihan nila ito”,pahayag ni delos Santos. Dagdag pa ni delos Santos, hindi ang layunin ng pagbabasa ng mga aklat para baguhin ang tao, kundi upang baguhin ang pananaw ng mga PDL sa buhay.

Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga aklat, naniniwala sila na magkakaroon ng positibong
pagbabago sa buhay ang mga PDL. Bilang suporta ng proyektong “Read Your Way Out”, nagpapasalamat si delos Santos sa mga nag handog ng mga aklat at sa mga service provider na tumutulong sa kanilang proyekto. “Ang books ay di niya binabago ang tao. It is the words that will change the person”, dagdag pa ni delos Santos. Inaasahan din ang pagsagawa ng ribbon cutting ceremony para sa BJMP library sa Abril 27, ayon kay ng Jail Superintendent April Rose Ayangwa.

Ron Christian Nacionales-UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon