PSBRC

Life is Beautiful para sa mga kabataan na kasalukuyang nasa pangangalaga ng Bahay Pag-
Asa Youth Center, matapos silang surpresahin ng mga miyembro ng PSBRC Class 2018-01
KASANDAGAN na nakatalaga sa Abra Police Provincial Office. Ayon sa mga miyembro ng class, sa pagdiriwang nila ng kanilang class anniversary, imbes na mag-outing ay pinili ng class na mag-ambag-ambag upang makalikom ng pondo na kanilang ginamit para sa kanilang outreach activity sa Bry Calaba, sa bayan ng Bangued. Nito ngang nakaraang araw ay binisita at pinasaya ng Class KASANDAGAN ang mga Children in Conflict with the Law (CICL) at Children at Risk na nasa pangangalaga ng Bahay Pag- Asa.

Bilang bahagi ng kanilang aktibidad sila ay namigay ng mga hygiene kits at mga school supplies.
Bukod pa rito, upang aliwin ang mga kalahok ay nagkaroon ng friendship game na basketball. Natapos naman ang aktibidad sa pamamagitan ng isang simpleng salo-salo at masayang pakikipagkwentuhan sa mga kabataan na kung saan ay pinaalalahan din sila ng mga kuya at ateng
pulis na wag mawalan ng pag-asa at patuloy na mangarap.

(PROCOR-PIO)

Police Patrol

AMIANAN POLICE PATROL

Amianan Balita Ngayon