BAGUIO CITY
Nagkaroon ng isang pagpupulong o mobilization meeting ang mga Parents Teachers Association ng mga paaralan, kasama ang lokal na pamahalaan at ang Smoke-Free Task Force sa DepEd City Schools Division, noong Hunyo 14.
Sa pagpupulong, hinihikayat ng city government ang mga PTA na mas maging maagap at mas aktibo sa pag protekta sa kabataan laban sa panganib na dala ng Tobacco Industry, lalo na’t ngayon ay maraming iba’t ibang nauusong paraan ng pag gamit nito, tulad ng vaping, chewing o pag nguya ng tobacco, at ang karaniwang paninigarilyo or
smoking (ViCeS).
Ayon kay Dra. Donnabel Panes, ang vaping at pag gamit ng iba’t ibang produkto ng tobacco ay ang pinaka malaking
public health concern sa kabataan ngayong 2024. Noong Hunyo 13, isinuko ang mahigit 300 tobacco products na naikinumpiska ng University of the Cordilleras sa kanilang paaralan kay POSD Deputy Chief Allan Faustino. Ito ay nagsilbing ehemplo na nag papakita kung gaano na kalubha at kalaganap ang paggamit ng produkto ng tobacco ng ilang kabataan sa ngayon. Layunin ng mobilization meeting ang mas lalong himukin ang mga magulang at paaralan
sa patuloy na pagprotekta sa mga bata laban sa impluwensya at epekto ng paggamit ng produkto ng tobacco.
Vannah Carlos/UC-Intern
June 21, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024