Pulis at asawa nito, arestado sa halos P1M investment scam

SAN FERNANDO CITY, LA UNION – Isang senior police officer na nakabase sa lungsod na ito kasama ang asawa nito ang dinakip ng ibang miyembro ng La Union Provincial Intelligence branch at Central Intelligence and Detection Group dahil sa limang kaso ng estafa noong Mayo 12, 2017.
Kinilala ang mga suspek na sina SPO1 Garry R. Ancheta, 40, at asawang si Lanie, 37, kapwa residente ng Purok 3, Barangay San Francisco, lungsod na ito.
Ang mag-asawa ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni San Fernando City Regional Trial Court Branch 66 Judge Victor Conception na may petsang May 9, 2017. May inirekomendang piyansa na P114,000 bawat isa, para sa pansamantalang kalayaan ng mga suspek.
Ayon sa 20 miyembrong nagreklamo, na humiling na huwag pangalanan, ay inalok sila ng mag-asawang suspek sa isang investment fund na may garantiyang magdodoble ang ibinigay nilang pera, ngunit hindi ito natupad.
Bunsod ng pagiging miyembro ng Philippine National Police ni SPO1 Ancheta ay itinuring itong malaking scam, kaya naipila ang kaso kontra sa mag-asawa. 10
Napag-alaman pa na halos P1milyon ang nakuha ng dalawang suspek mula sa mga naloko nilang miyembro.
Si Lanie ay kasalukuyang nasa Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC) dahil sa karamdaman habang si SPO1 Garry ay nakakulong sa lock-up cell ng police station ng lungsod na ito. Erwin Beleo

Police Patrol

AMIANAN POLICE PATROL

Amianan Balita Ngayon