Pulis biktima ng bukas-kotse

Isang pulis ang naging biktima ng bukas-kotse sa Kalaw St., Upper Session Road, Baguio City sa pagitan ng 3pm at 3:45pm noong Setyembre 13.
Nakilala ang biktima na si PO2 Dexter Valentine Preza, 31, at miyembro ng PNP na nakatalaga sa PPSC, Abra PPO, at residente ng Kings Court Rimando Road, Baguio City.
Ayon sa imbestigasyon, bandang 3pm ay ipinarada ng biktima ang kaniyang Toyota Fortuner na kulay gray sa lugar ng insidente at iniwan ang kaniyang itim na sling bag sa flooring ng driver seat at pumunta sa BDO-SM branch.
Bandang 3:45pm nang bumalik siya ay nahalata niyang basag ang bintana sa likod at nadiskubre niyang nawawala ang kaniyang sling bag na laman ang isyu niyang glock 9mm pistol na may SN# PNP 59606 na may dalawang magazine, 20 live ammunition ng 9mm at AFSLAI/PSSLAI passbook at ID.
Rumesponde ang personnel ng PS5, BCPO at ginalugad ang lugar subalit nag-negatibo ito. Gayundin ay isinailaim sa proseso ang crime scene at nadiskubre sila ng marka ng dugo sa likurang upuan ng sasakyan at isinumite ito sa Baguio Crime Laboratory Office habang nasa follow-up ang nasabing kaso.

Amianan Balita Ngayon