Pulis-extortionist posibleng masibak sa serbisyo

Provincial

CUAYAN CITY, Isabela – Nahaharap ngayon sa dismissal from the service ang isang miyembre ng Cauayan City Police Station na nahuling nag-extort ng pera mula sa isang pamilya ng drug suspect sa lungsod.

Nabatid kay Lt.Col.Andree Abella, chief ng Regional 2 Public Information Office, si M/Sgt Sherwin Gamit, warrant server ng CCPO ay nadakip kamakailan ng mga operatiba ng Regional Integrity Monitoring and Enforcement Team (RIMET), Provincial Intelligence Unit, Isabela Police Provincial Office and the Cauayan City Police Statio, matapos mahuli sa akto na tinatanggap nito ang halagang P300,000 marked money mula sa babaeng kapatid ng drug suspek.

Ayon kay Abella, ang entrapment operation ay isinagawa dahil sa reklamo ng babae na humihingi umano si Gamit ng pera kapalit para
ayusin nito ang kaso ng kapatid na drug suspect.

Narekober kay Gamit ang marked money na ginamit sa transaksyon, isang caliber .22 handgun without serial number at caliber 9mm PNP service firearm na may tatlong loaded magazines.

“Ang kapulisan ng Rehiyon Dos ay kabilang sa mga pinaka disiplinadong miyembro ng PNP sa buong bansa. Kung kaya naman nakakalungkot na mabahiran ng iisa o iilang miyembro nito ang magandang imahe ng mga Valley Cops.

Gayunpaman, magsilbi sanang babala at aral ang pangyayaring ito sa ating mga kapulisan na manatili na lamang sa tamang landas at tumalima sa kautusan ni Police General Guillermo Lorenzo Eleazar,” pahayag ni , PRO2 Regional Director BGen.Steve Ludan.

“Sa ilalim ng pinaiiral na Intensified Cleanliness Policy ng PNP, wala tayong sasantuhin sa ating paglilinis sa ating hanay. Ito ay ating ipagpapatuloy upang tuluyan nang masawata kung meron mang mga gumagawa pa ng mga kahalintulad na iligal na gawain dito sa ating nasasakupan.”

Kinasahun na ng robberyextortion and illegal possession of firearms si Gamit through inquest proceedings, na ngayon ay nasa custody ng
CCPO.

Zaldy Comanda/ABN