Pulis, ginulpi ng mga trabahador sa Benguet

Itogon, Benguet – Pinagtulungang bugbugin ng apat na construction worker ang isang pulis sa bayang ito noong hapon ng Nobyembre 2.
Si Police Officer 2 Bryan Tinag Castro, 29, kasalukuyang nakadestino sa Itogon police station, ay sisiyasatin sana ang isang komosyon sa 1300 Level, sa Poblacion, ngunit ginulpi ito ng mga trabahador na sina Charles Lumiwan Liaban, 27, tubong Wagud, Pinukpuk, Kalinga at kasalukuyang nakatira sa Oracion St., Purok 3, Dontogan, Green Valley, Baguio City; Sherwin Gudayon Agub, 20, ng Calaccad, Tabuk City, Kalinga; Gary Gudayon Taoweng, 23, mula sa Guesang, Ba-ay, Pinukpuk, Kalinga; at Victor Agustin Banggawan Jr. a.k.a. “Onyol”, 29, tubong Asibanglan, Pinukpuk, Kalinga at kasalukyang nakatira sa Oracion St., Purok 3, Green Valley, Dontogan, Baguio City.
Si PO2 Castro, na nakasuot ng wastong uniporme, ay sinagip ni Senior Police Officer 4 Cosme Flores ngunit maging ito ay inatake rin ng mga trabahador hanggang sa dumating ang iba pang pulis at hinuli ang apat na trabahador.
Si Banggawan Jr. ay nagpakilala pang pulis at tumanggi na sumuko ngunit nangibabaw ang mga rumespondeng pulis.
Ang apat ay sasampahan ng kasong direct assault upon an agent of a person in authority at usurpation of authority.

Amianan Balita Ngayon