“Punch list” ng trabaho sa convention center tinitingnan

LUNGSOD NG BAGUIO – Tinitingnan ng lungsod ang isang “punch list” ng rehabilitation works sa Baguio Convention Center upang malaman at maayos ang mga posibleng depekto at kakulangan sa konstruksiyon bago ang aktuwal na pagtatapos ng proyekto.

Sumang-ayon si Mayor Benjamin Magalong sa suhestiyon ni City Administrator Bomifacio Dela Pena at City Building and Architecture Office Asst. Head Johnny Degay upang mavalidate ang integridad at workmanship ng istruktura sa gitna ng malinaw na mge depektong napuna ng mayor ng gamitin ng lungsod ang pasilidad noong selebrasyon ng Baguio Day nitong nakaraang Setyembre.

Sinabi niya na kailangang gawin ng lungsod ang punch list habang posible na magsagawa ng masusing pagsusuri sa mga trabahong ginawa at mga materyales na inilagay sa halip na gawin ito matapos ang proyekto dahil kinakailangang kalasin ang mga Lungsod pinag-iisipan ang regulatory fees sa street parking nailagay na.

Sinabi ni Dela Pena na maghahanda siya ng isang pagpupulong kay Department of Public Works and Highways Cordillera Regional Director Rene Zarate na siyang implementer ng proyekto para sa contractor na maging handa at tanggapin sila sa balidasyon ng mga aktibidad.

Inamin ng mayor nakapag-desisyon siya na hindi tatanggapin ang proyekto dahil sa “poor workmanship” ng istruktura bilang ebidensiya ng depektibong kisame at warped flooring na napansin nila noong selebrasyon ng Baguio Day.

Nakita rin nila ang mahinang kalidad ng mga upuan na inilagay ngunit sinabi ni Dela Pena na ito ang nakalagay sa project specifications. Sinabi ng mayor na sa kasalukuyang workmanship, ang kaligtasan ng pasilidad ay pinagsusupetsahan at ang pagtanggap dito ay maglalagay sa pamahalaang lungsod sa alanganing sitwasyon.

Ang proyekto na nagkakahalaga ng PhP169 milyon ay inumpisahan noong Marso 2018 at tinatayang matatapos sa Pebrero 2020. Nauna dito ay siniguro ng mga opisyal ng DPWH-CAR at contractor ang pagsunod sa mga planoat spesipikasyon ng inaprubahang proyekto.

APR-PIO/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon