RAC nais ihiwalay ang IAS sa PNP

LUNGSOD NG BAGUIO – Sinabi ng Regional Advisory Council (RAC) ng Internal Affairs Service sa Cordillera Administrative Region (IAS-CAR) na inaprubahan nila ang isang resolusyon para sa paghihiwalay ng nasabing unit mula sa Philippine National Police (PNP).
Sa isang press conference noong nakaraang Miyerkoles ay sinabi ni Atty. Alan Antonio Maso, chairman ng IAS-CAR RAC na ang panawagan sa paghiwalay ng IAS mula sa PNP ay napapanahon dahil sa kamakailang pangyayari na nasasangkot ang mga opisyal ng police, lalo na ang tinaguriang “ninja cops.”
Ang resolusyon ng RAC na nilagdaan ng lahat na 10 miyembro noong Oktubre 23 ay pinamagatang “A resolution expressing support to the independence of the Internal Affairs Service and House Bill 3056.”
“This should be nationwide reform on the disciplinary aspect of the policemen,” ani Maso. Sinabi niya na ang paghiwalay ng IAS ay umaani rin ng suporta mula sa Commission on Human Rights (CHR), ng Senado at iba pang mga sektor.
Ipinila ang House Bill 3056 ni PBA Partylist Rep. Jericho Nograles na layong ilipat ang IAS sa ilalim ng Department of the Interior and Local Government. Sa kasalukuyan, ang IAS ay nasa ilalim ng Philippine National Police.
Binigyan-diin sa resolusyon ng RAC na ang kasalukuyang set up ay tinatalo ang layunin kung saan nalikha ang IAS. Sinusugan ng Republic Act 8551 ang Republic Act 6975 para sa layon na mga reporma at reorganization ng PNP, kasama ang paglikha ng IAS.
Sinabi ni Mason a sa oras na mahiwalay, ang IAS ay hindi na dedepende sa PNP para sa pangangailangang pinasiyal nito. Sinabi niya na lubos na magsisilbi ang IAS na monitoring body ng karakter at asal ng mga opisyal ng police at lubos na mag-ooperate bilang investigating at adjudicatory body sa lahat ng administrative offenses na ginawa ng mga PNP personnel, magiging isng mas epektibong bahagi ng disciplinary mechanism nito.
Ang sistemang ito ay pareho ng nasa ibang mga bansa gaya ng Estados Unidos kung saan ang IAS nagagawa ang trabaho nito na walang “banta at “pamamahala” ng organisasyon ng police na nagmomonitor at nag-iimbestiga.
 
PNA/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon