RAFFLE-FOR-A-CAUSE PARA SA PONDO AT PASILIDAD NG BJMP

Photo Caption:  Ang mga opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa isinagawang RAFFLE-FOR-A- CAUSE” program, para makalikom ng pondo na panustos sa pasilidad.

Photo by Ron Christian Nacionales/ABN

———————————————————————————————————————

BAGUIO CITY

Isinagawa ang Raffle-For-A-Cause upang magkaroon ng dagdag na pondo ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) para sa kanilang mga programa at pasilidad. Mayroong benevolent donors ang nag-donate ng major prizes tulad ng 55 inches na TV, washing machine, at mga smartphones para sa naturang programa.  Habang ang mga consolation prizes ay mula naman sa mga pinagbentahang tiket sa raffle.

Mula rito, kanilang nasustentuhan ang pagbili ng limang sakong bigas at limang bayong. “All in all, the program was able to generate a total sales of 167,300 pesos, which will be used to improve the programs and facilities of BJMP”, atyon kay Jail Superintendent April Rose Ayangwa. Para sa pangangailangan ng Jail Library, nagbigay ng mga materyales ang mga donors para sa aayusin na mga bookshelves, lighting, tables, at chairs.

Sa kabila ng pag-unlad ng mga pasilidad, ang BJMP ay nagpasya rin na magkaroon ng beneficiary kabilang ang Pediatric Nephrology Society of the Philippines (PNSP). Ang naturang programa ay magiging kapaki-pakinabang lalo na sa pagbubukas at ribbon-cutting ng Jail Library sa Abril 27, 2023 bilang bahagi ng kanilang “Read Your Way Out” program.

 

Amianan Balita Ngayon