Rape suspek sa Ifugao, nalambat sa Benguet

LAGAWE, Ifugao – Hindi nakapalag ang suspek sa paggagahasa sa bayan ng Lamut,Ifugao na matunton siya ng mga humahanting na kapulisan sa kanyang pagtatago sa bayang ng La Trinidad,Benguet.
Kinilala ni Ifugao PPO Director Col. David Mariano, ang nadakip na si Bartolome Balajo Dag-o,Jr.,29, na tinaguriang No.7 Top Most Wanted Person in Ifugao.
Ayon kay Mariano, si Dagog ay matagal ng wanted sa kasong rape at sa tulong ng concerned citizen ay natunton ang kanyang pinagtataguan sa Barangay Betag, La Trinidad, Benguet.
Napag-alaman na si Dag-o ay akusado sa kasong Rape in relation to Republic Act 7610 or Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act kaukulang piyansa.
“Mabuti na lang ay may concerned citizen na nagtimbre sa amin at matapos ang validation sa natanggap na information ay nagpadala na ako ng tauhan ko at nagsagawa intensive surveillance and
intelligence operations sa tulong ng La Trinidad MPS at matagumpay na nasakote ang suspek,”pahayag ni Mariano.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon