Re-channeling ng ilog sa Ilocos Norte, isinusulong

LUNGSOD NG LAOAG – Nais ng mga lokal na opisyal at mga residente ng Vintar, Ilocos Norte ang re-channeling ng Bislak River upang maiwasang masira ang mga dike at palayan kapag umapaw ito.
Sa kasagsagan ng habagat na pinalakas ng Tropical Depression Luis, ang ilang mga residente sa mababang lugar ng Vintar ay isa sa mga matinding tinamaan dahil sa pag-apaw ng ilog.
Habang ipinapakita ang development plan para sa panukalang dredging ng ilog, sinabi ni Vice Mayor Amado Victor Racimo na ang pamahalaan ng Ilocos Norte ay tumutulong upang masimulan na ang dredging activity.
Ayon kay Racimo, isang backhoe operator mula sa pamahalaang gobyerno ang naideploy sa Bislak River upang simulan na ang re-channeling ng ilog.
Samantala, sinabi ni provincial engineer Cecilia Gagarin na nakipag-ugnayan na siya sa Department of Public Works and Highways sa agarang rehabilitasyon ng nasirang seawall sa Barangay Caruan, Pasuquin.
Sa kasagsagan ng malakas na ulan noong nakaraang weekend, halos 12 pamilya sa baybaying lugar ng Caruan ang pinilit na lumikas dahil sa pagguho ng seawall. Dalawang iba pang bahay na gawa sa lightweight materials ang lubos na nasira. L.ADRIANO, PNA / ABN

Amianan Balita Ngayon