BAGUIO CITY
Inilatag ni Gladys Vergara ang kanyang kandidatura bilang kinatawan ng siyudad ng Baguio sa kongreso na kaakibat ang mga programa at adhikain na mapauland ang antas ng pamumuhay, kapayapaan at ekonomiya sa pakikipag-pulong nito sa mga religious leaders,noong Enero 16. Ipinangako din ni Gladys sa harap ng mga religious group na ipagpapatuloy niya ang mga legacy ng kanyang ama na si dating Congressman at Mayor Bernie M. Vergara, na kilala bilang “Action Man,” na gumawa ng mahusay na dedikasyon sa serbisyo publiko at pagpapaunlad ng imprastraktura sa panahon ng kanyang panunungkulan.
Is sa mga iprinisinta ni Gladys ay ang pamamahagi ng mga solar lights sa bawat barangay na nangangailagang pailawan ang mga kalsada upang pakinabangan ng mga residente sa gabi at laban sa mga masasamang-loob. Aniya, mahalagang mapangalagaan ang seguridad ng bawat mamamayan sa kani-kanilang lugar. “Mahirap at nakakatakot maglakad sa madilim na lugar, andyan ang banta ng panganib, kaya dapat maging concern tayo sa ganitong bagay.” Ipinamahagi din ni Gladys ang libro ng kanyang ama na may titulong ‘One for the Road’ na kung saan ay naglalaman ito ng mga programa at proyektong natapos sa panahong ng kanyang pagsisilbi bilang ‘Ama at Kinatawan’ ng siyudad ng Baguio.
Si Gladys, ay kasalukuyang chairperson ng Baguio Tourism Council, na nag-ambag ng malaking kontibusyon sa larangan ng pagpapalago ng turismo at mga mahahalagang aktibidad sa siyudad ng Baguio. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, pinaigting ng konseho ang mga pagsisikap na isulong ang kakaibang kagandahan, pamana ng kultura, at natural na kagandahan ng lungsod, na nakakaakit ng mga lokal at internasyonal na bisita. Sa kanyang kandidatura, ang “Glad to serve you!’ ay simbulo ng kanyang maka-Diyos, matapat at masagannag-serbisyo sa gobyerno at mamamayan ng siyudad ng Baguio.
By: Zaldy Comanda
February 17, 2025
February 15, 2025
February 12, 2025
February 2, 2025