“REPORMA O REBOLUSYON SA PNP?”

Maraming tanong at agam-agam ang tumambad sa “drastic move” ni DILG Sec. Benhur Abalos na pag-udyok sa lahat ng mga Colonel at General ng PNP na maghain ng kanilang mga “courtesy resignations” sa kabila ng patuloy na paglaganap ng droga sa lipunang Pilipino. Tunay na
“revolutionary” o “reformist” nga ba ang hakbang sa hangaring sugpuin ang impluwensiya ng illegal drugs trade sa hanay ng kapulisan? Matahil “revolutionary” dahil bigla at malakihang
pagbabalasa sa hanay ng kapulisan ang hangad.

Hindi biro ang magtawag ng resignations ng mahigit 700 Colonels at Generals na umuukupa sa liderato ng Philippine National Police na mistulang tinanggalan mo ng pangil ang armadong
pwersang nagpapatupad ng kaayusan sa lipunan. Sa Cordillera Region lamang, lahat ng 17 maliban sa isa lamang sa kabuuang 18 Colonels at Generals ang naghain ng kani-kanilang courtesy resignations noong Biyernes ng umaga bilang pagtalima sa hamon ni Abalos. Sa kabila ng paglilinaw ni PNP Chief Rodolfo Azurin Jr. na hindi naman nangangahulugang mawawala
na ang mga magsipag-resign na Colonels at Generals sa PNP, lubos na payak lang ang kahulugan ng resignation — aalis ka sa posisyon mo.

Payak rin lang ang kahulugan. Ang nasa salik na posisyon mula sa Regional Director, Directorial Staff, Regional Divisions, Force Commanders, City Directors na inuukupahan ng mga Colonels
at Generals sa Cordillera ay walang commander. Kung tatalima ang lahat ng Colonels at Generals, mula Regional Police Offices pataas sa organizational chart ng PNP, walang mga commanders?
Magtatalaga ba ng Officers-incharge? Ayon sa Cordillera Police Office, kung sa kanilang hanay, walang OIC.

Walang malinaw na liderato sa hanay ng isang armadong pwersa, ano kaya ang ibig sabihin nito?
Revolutionary nga! Tiyak na malawakang demoralisasyon sa hanay ng mga matitinong opisyal ang
maaring dulot nitong “courtesy resignations” ni Sec. Abalos dahil dinadamay ang mahigit 700
Colonels at Generals sa kakarampot na “hindi hihigit sa 10 mataas na opisyal lamang” ang hinihinalang sangkot sa kalakal sa droga.

Kung tukoy na ang hindi hihihigit sa 10 opisyal ang sangkot sa droga’y, bakit hindi sila na lamang ang inobligang mag-courtesy resignation upang sumailalim sa pagdinig at paguusig? Revolutionary e! Sa hanay ng military, nagbabadya na ang rebolusyon?

Amianan Balita Ngayon