Residente ng Baguio di na alarma sa balitang “COVID-19 high risk ang Baguio” isyu ng market development may mga nagtaas ng kilay, May mga natuwa

Tapik ni Tonying

Bago ang lahat ay nais ko munang pasalamatan ang Diyos Ama sa Langit dahil sa Kanyang mga biyaya at bendisyon sa atin na aking ipinagpapaslamat na sa loob ng walong buwan na tayo ay nasa ilalim ng takot at pangamba sa Covid-19 ay hindi tayo tinamaan ng virus na ito.

Kaya tayo ay taimtim na magpasalamat sa Panginoong Hesus at sa Amang makapangyarihan at ng Ispiruto Santo..

Sa totoo lang ipinagkibit balikat lang ng ilang residente ng Baguio ang balita sa isang telebisyon na isa ang lungsod sa “high risk” sa ilalim ng pandemic dahil sa maraming naitala ng mga kaso ang lungsod na ayon sa Department of Health may 51,969 na indibidwal ang sumailalim sa mga testing na may 13.9 porsiyento sa papulasyon ng lunsod na ibig sabihin ay mababa pa rin kung ikumpara daw sa ibang probinsya at syudad na apektado ng Corona Virus.

Base sa research ng OCTA Research Team inilabas nila ang resulta noong Martes na sinasabi na bukod sa Makati , Mandaluyong isa ang Baguio sa “high risk” area sa Luzon na apektado ng Covid-19 pandemya ang siste mga kababayan ko ang OCTA ay nagbase lamang sa kanilang record ng mga kaso noong October 11 hangang October 17 sa tingin kohindi ito accurate dapat nagsimula sila noong pagputok ng pandemya noong Abril at Mayo hanggang sa ngayon.

Nakupow ka Pekto tinakot na naman ng mga “scientist “ ang mga tao para mag-panic (hindi panic-buying ha). Sa mga taga Baguio sanay na tayo sa pagtaas at pagbaba ng kaso ng Covid-19 sanay na rin tayo sa mga lockdown ma hard ma moderate o modify pa diyan. Nasanay na tayo na niloloko ng mga namumuno, nasanay na tayo sa kanilang pananakot sa nasabing sakit, nasanay tayo na walang ayuda at ang maswerte ang mga kapitan at kapitana na namimili lamang ng kanilang binibigyan ng ayuda.

Tama naman yung sinabi ni Dra Ruby Constantino na huwag tayong mag panic sa nasabing balita dahil sa ngayon aniya ay humihina na ang epekto ng virus dahil nalaman na ng mga tao kung paano lalabanan ang virus .. e di mag face mask, face shield at maghugas ng kamay gamit ang alcohol o sabon at tubig, Idagdag mo pa diyan ang pag inum ng mga vitamin C..

Kaya Ok Ngarod mga ka- Bagyu at kakailyan at ka United Cordillerans (partylist) ika ng ani apo Douglas Rufino ng Bureau of Internal Revenue (siya po ang Regional Director ng BIR-CAR ka surname ng Lolo ko na si Jose (Ose) Rufino) dapat magkaisa tayong mga Cordillerans sapagsugpo ng virus na ito aniya sundin ang health protocols upang hindi magkasakit.

Ang Cordillera ay nasa ika 12 sa ranking sa may kabuuang 17 na rehiyon at may naitala tayong 2,798 na kumpirmadong positibo sa Corona virus na naitala noong October 21, may naitala na rin mga gumaling na may bilang na 1,937 at may 31 na naiulat na namatay.

Sa ngayon ay meron naitala na 830 active cases sa buong Cordillera , 7 ay galing sa Abra, 4 sa Apayao, 592 naman sa Baguio City, 202 mula sa Benguet, 10 sa Ifugao, 12 sa Kalinga at 3 mula Mountain Province.

Sa isyu ng development ng city market marami na ngayon ang mga naglalabas ng kanilang mga saloobin mula ng i-reject ito ni Mayor Benjie Magalong dahil hindi siya nasiyahan at may pagdududa na may “mali” sa issuance ng P4 o yung selection committee sa ilalim ng PPP dahil ang selection committee noong una ay pinaboran nil ana ibigay ang “original proponent status” o OPS (hindi ito yung origina Pilipino song ha ka Pekto) sa Robinsons subalit may mga pagkukulang di umano ang Robinson sa kanilang project proposal, ganun din ang market group.

Sa madaling salita tinimbang, sinukat ni Mayor ngunit kulang at dito nakita niya na mas ok ang proposal ng SM Prime Holdings. Sa pagbalikwas ng pangyayari ay ibinigay sa SM Primeholdings ang OPS at ito na maraming ng nagbigay ng kanilang saloobin sa pamamagitan ng facebook page at iba pang uri ng social media.

May mga opisyal diyan sa city hall na nagsasabi na hindi dapat ibigay sa SM dahil magmamahal ang upa sa mga vendors, dapat daw maipreserba ang heritage at historical ng palengke , at dapat daw mga taga Baguio ang siyang mag develop ng city market.

Mga ka-Bagyu hindi naman nangangahulugan na pag ibinigay na sa SM ang OPS ay sila na ang magde develop ng city market e mayroon pang kasunud na “swiss challenge pa yan na ibig sabihin tatapatan o hihigitan ng iba pang developer ang project proposal ng SM .

Kaya cheer up sa mga gustong sumali sa swiss challenge”. Pero ang tanong may local businessmen ba na intresado sa market development? May sapat ba silang salapi sa pagdevelop ng market”, O ang city government ba ay may salapi ba para sa market development? Tanong ko sagot nyo, Salamat po…