Residente ng Baguio nabahala sa pagtaas ng nagpositibo sa Covid-19, Usapang turismo tuloy sa Oktubre 1

Tapik ni Tonying

Pambihira talaga ang balitang halos umabot sa 52 na pasyente ng Covid -19 ang naiulat sa nakaraang Setyembre 17, 18, at Setyembre 20 na kung saan ay unang naiulat ang 40 na tao na naapektuhan ng Covid -19 dahil sa 38 nito ay bumuo 52 na kaso ng nasabing virus sa lungsod.

Ayon sa ating mga kababayan na mahilig sa tsismis subalit tooto naman ay nagkaroon diumano ng kasiyahan sa isang purok sa barangay Sto Nino noong nakaraang araw, teka si Kapitan Camelo Tacbas ang unongbarangay ng barangay na ito. Naku Kapitan Tacbas aba e bantayan mo ng maigi ang mga constituents mo para hindi na magkalat at huwag mo munang palabasin ng kanilang purok delikado yan. Sa total na biktima ng Covid-19 na umabot sa 38 na katao ang naging biktima ng virus na mula sa Sto Nino barangay.

Ang sistema nyan mga kabarangay ay pinirmahan ni Mayor Benjie Magalong ang “hard lockdown sa nasabing barangay sa loob ng 15 araw. Ang sa akin lang Mayor ay bigyan ng pagkain ayuda ang mga nasa tatlong purok para hindi magwala sa gutom ang mga kabarangay natin Mayor.

Sa ngayon ay mayroong 681 na confirmed cases ng Covid-19 sa lunsod at mat 12 namatay na naiulat mula noong buwan ng Marso.

At dito nabahala ang mga taga lungsod ng Baguio n asana hindi pa binuksan ang turismo sa lungsod dahil ang pangamba nila ay maaring magdala ng “virus” ang mga aakyat ng lungsod.

Sabi nga ni dating City Councilor Edgar Avila lubhang delikado ang nangyayari sa syudad sa loob lamang ng isang araw ay pumalo na ng 52 ang nabiktima ng Covi-19 na yan dapat aniya ang doblehin ang ingat ng mga kabarangay sa lunsod upang hindi na maulit ang mga ganitong pangyayari.

Tama naman si Mr. Avila sa kanyang tugon ay umaayon ako na pagod na rin ang ating mga frontliners na mga doctor at nurses at mga hospital volunteer kaya sana ay huwag ng maging pasaway ang ating mga kababayan.

Kung hindi kailangan na lumabas ng bahay ay stay at home na lang mas ligtas ka pa. Ang tanong ko kay Atty.Avila e pano yan sinimulan na ang pagtanggap ng mga turista mula sa Region 1 aysus dagiti kailyak nga taga Ilocos lovakia ken Bagoong landia nga naggapuidyay Pangasinan. Ngem siyempre haan met nga agbyahe dagiti masakit nga apan agpasyar lang ditoy Baguio tani nangina ti agpa swab P3,500 ta naudi nga damage ko. Ngem dyay imbagan ni Kasin nga Jun Dumlao dyay antigen kanu (haan nga anti ni gen wun) agas ti kunkunak Ka Pabling pang tests nga nalaklaka ta P1,000 lang kanu met.

Paliwanag ni Atty.Avila hindi aniya maikakaila na maraming gustong umakyat sa Baguio at mamasyal subalit dapat aniya maging maingat ang mga hotel at mga restaurant sa pagtanggap ng mga turista at dapat sundin pa rin ang health protocols.

Ngunit may hatid pa ring pangamba ang mga tao sa naging desisyon ng mayor ng lungsod na buksan na ang Baguio sa mga turista. Ginagawa kasing modelo ng national government sa pangunguna ni Tourism Secreatry Bernadette Romulo Puyat ang pagbubukas ng turismo na may tag na “Ridge and Reef “ na siyang magtutulay sa Region 1 at sa baguio City na magkaroon ng exchange ng mga turista.

Ibig sabihin tayo ay maaring mamamsyal sa La Union o Ilocos Sur at Ilocos Norte ngunit isasailalim pa rin sa health protocols. Sa ginanap na launching ng Ridge and Reef na kung saan ay tuloy na sa darating na Oktubre 1, 2020 ang pagbubukas ng turismo sa lungsod ngunit hindi ito nangangahulugan na lahat ng tao ay maaring umakyta sa lungsod tanging ang mga taga Pangasinan, La Union, Ilocos Sur at Ilocos Norte lamang ang maaring bumisita at mamamasyal sa lunsod na kung saan ay kakailanganin ng mga turista na mag apply sa isang travel agency na mag book sa kanila.

Binuksan na rin ng Pangasinan, La Union, Ilocos Sur at Ilocos Norte ang kanilang mga pasilidad na pang turismo ito ayayon sa kagustuhan na rin ng kanilang mga opisyal at ng Inter-Agency Task Force kung sabagay ito ay makakatulong sa muling pagangat ng kanilang mga Negosyo.

Kung tutuusin marami sa ating mga kababayan ang baon sa utang at lubogang hanapbuhay dahil sa epekto ng Covid-19. At sana magawa na ang vaccine sa sakit na ito dahil ito ang hinihintay ng gobyerno natin upang magamit na ng ating mga kababayang may Covid-19 at hindi na ito kumalat pa sa ibang tao. Tanging ang paglabas ng vaccine sa Covid- 19 ang siyang makakapag deklara.