Retired general, patay sa ambush

CALASIAO, Pangasinan — Isinasagawa ngayon ng mga tauhan ng binuong Special Investigation Task Group ng Pangasinan Provincial Police Office, ang pagtutok para matukoy ang mga suspek sa pagpatay kay Retired Police Gen. Marlou Chan, noong Enero 2.

Si Chan ay tinaguriang crime buster ng hilagang Luzon matapos na humawak ng posisyon bilang Director ng Police Regional Office (PRO) 1. Patuloy ang masusing imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pananam-bang sa biktima.

Si Chan na kabilang sa PMA “Sandiwa” Class 1985 ay nagsilbing provincial director ng Pangasinan Provincial Police Office noong 2013. Sa imbestigasyon, si Chan ay lulan ng kanyang sasakyang Ford na may plakang C2E59 at nakaupo ito sa driver side, nang paulanan ng mga bala ng baril ng mga di-pa nakikilalang suspek dakong alas 2:50 ng hapon sa highway ng Barangay Nalsian, Calasiao, Pangasinan.

Idineklarang dead on arrival si Chan nang isigugod ng mga rumespondeng rescue team, samantalang sugatan naman ang drayber nito. Hindi pa malinaw kung ano motibo ng pamamaslang, pero iginiit ni Pangasinan Police Provincial Police Office (PPO) Director Police Colonel Redrico Maranan, na tututukan nila ang kaso para agarang malutas ang insidente.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon