Road-clearing compliance ng Baguio mataas:DILG

LUNGSOD NG BAGUIO – Mataas ang compliance ng pamahalaang lungsod s autos ni Pangulong Rodrigo Duterte na linisin at bawiin ang mga public roads mula sa obstruksiyon, ayon sa opisyal ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lungsod noong Martes.
“Maganda ang performance. We are actually preparing a comprehensive report from the time it started. Isama siguro natin yung initiative ni mayor (Benjamin Magalong) prior to the directive of the President plus yung ginawa until noong September 29,” ani Evelyn Trinidad, city director ng DILG-Baguio.
Sa Oktubre 2 ay kailangang magsumite ang DILG-Baguio ng ulat sa regional office na kinakailangan ding magsumite sa national office sa Oktubre 11.
Sinabi ni Trinidad na ang mahalagang resulta ng mga operasyon ay ang mga sidewalks na nalinis sa mga vendors, tarpaulins at waiting sheds. Sinabi ng director na ang mga sidewalks sa city market na dating puno ng mga puwesto ay nagagamit na ngayon ng mga pedestrian.
“Napakiusapan naman ang mga vendor not to sell using the sidewalks kasi sila din pala yung may mga pwesto sa loob na naglalabas lang sa kalsada para makita sila agad ng mga bumibili. Pero nagagree naman sila na hindi na maglabas,” she aniya.
Sinabi ni Trinidad na inumpisahan ni Mayor Magalong ang paglilinis at pagbawi sa mga sidewalk sap ag-upo niya noong Hunyo 30, bago pa ilabas ng Pangulo ang utos.
Sinabi rin niya na inumpisahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagbawi nito sa road-right-of-way sa mga highways bilang bahagi ng karagdagang pagsunod ng lungsod sa direktiba.
“Pumunta ako noong Friday marami akong nakita na nag self-demolish at nag increase yung accomplishment,” ani Trinidad.
Magkasamang ipinatupad ng DPWH at pamahalaang lungsod ang demolisyon ng mga istruktura na lumagpas sa bahagi ng Baguio sa Marcos national highway na 30 metro mula sa gitna.
Sinabi ni Trinidad na nabigyan ng notices of demolition ang mga lumabag na nag-udyok sa kanila na boluntaryong gibain ang kanilang iligal na mga istruktura.
Subalit sinabi ni Trinidad na kailangan pang tanggalin ng pamahalaang lungsod ang pagpaparada sa tabing-daan para sa mga pumupunta sa palengke dahil sa kawalan pa ng parking space.
“They are maintaining the parking because of an earlier resolution allowing it to help the market-goers, especially the bulk buyers,” aniya na sinabing magiging bahagi ito ng kanilang ulat.
 
PNA/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon