BAGUIO CITY
Masayang tinanggap ni Mayor Benjamin Magalong ang 200 iba’t ibang klase ng libro mula Kindergarten hanggang Grade 6, na donasyon ng Rotary Club of Makati Ayala Triangle,noong Pebrero 6. Personal na inihatid ang mga libro sa Mayor’s Office ni 2024 Noble Queen Of Culture and Arts Mylene Myse Salonga, kasama si International Artist Carmela Geisert, na pawang miyembro din ng RCMAT, na may temang “Baguio’s Building a Better Future Book Donations for a Better Tomorrow”.
Ayon kay Salonga, noong huli silang magkausap ni Magalong ay humiling ito sa kanya ng libro bilang project na
kanyang idodonate sa mga paaralan sa lungsod, kaya naman agad niya itong inilapit kina RCMAT District 3830
Governor Precy Yulo at President Tess Guzman. Aniya nabuo ang mga librong donasyon sa tulong ng Niktea, Myseterpiece Art by Myse Salonga and Noble Queen Limited International (NQULI).
Agad namang tinurn-over ni Magalong ang mga libro para ipakalat sa iba’t ibang paaralan na nangangailangan kina Juliet Piok, senior education program Specialist; Jackson Caya-os, principal ng Baguio Central School at Helen Acop, principal ng Lucban Elementary School. “Malaking tulong itong mga libro sa aming paaralan at nagpapasalamat ako sa RCMAT, at sa dalawa nating international artist na naghatid dito. Sana ay magpatuloy ang pagkakawanggawa sa
komunidad,” pahayag ni Magalong Ipinaliwanag ni Salonga na ang RCMAT ay kilalang samahan na tumutulong sa
komunidad, bood donations sa mga school children at sa ibat’ ibang sektor.
Zaldy Comanda/ABN
February 8, 2025
March 16, 2025
March 16, 2025
March 16, 2025
March 16, 2025
March 16, 2025
March 16, 2025