Sa compressed work week na sistema – masasanay din tayo

Sep 11, 2017

Ipinasa at aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang isang panukalang batas na magtatatag sa “compressed work week scheme” na sinasabing magsusulong ng business competitiveness, work efficiency at labor productivity.
Ang House Bill No. 6152 na magdaragdag ng normal na oras ng trabaho bawat araw ay inamiyendahan ang Articles 83, 87 at 91 ng Presidential Decree No. 442 o ang Labor Code of the Philippines. Sa batas na ito ay magiging apat na araw na lamang ang pasok.
Maraming may-ari ng negosyo at empleyado ang may gusto sa panukalang ito dahil ang apat na araw na trabaho ay magbibigay sa kanila ng karagdagang oras para sa pahinga, pamamasyal at pakikisama sa pamilya. Bentahe rin daw ito dahil magkakaroon din ng pagkakataon na maalagaan ang mga bata at tulong sa mga matatanda.
Ayon sa mga nagsulong ng batas ay madaragdagan ang produksiyon ng mga empleyadong magtatrabaho ng mas matagal na oras at pinaikling araw na trabaho dahil mababawasan ang ‘overhead expenses’. Mababawasan din daw ang bigat ng trapiko sa lansangan.  Sa ibang bansa ay sinubukan ang sistemang ito at nakita ang positibong epekto sa trabaho.
Subalit may mga pag-aaral na nagpapakita ng potensiyal na panganib sa kalusugan bilang epekto ng mas matagal na oras ng pagtatrabaho. Nakita na ang panganib sa mga taong regular na nagtatrabaho ng higit 12 oras kada araw o 60 oras bawat linggo.
Mayroong di nakikitang panganib sa mahabang oras ng trabaho na maaaring magresulta sa stress, kapaguran,  pananakit at sakit. Kahit pa sabihing nabawasan ang araw sa isang linggong trabaho at nadagdagan ang pahingang araw ay kung susumahin ay pareho rin ang tagal ng panahon ng pagtatrabaho.
May mga pag-aaral na ang panganib sa pagkakaroon ng aksidente sa trabaho ay tumaas sa mga empleyadong nagtatrabaho ng mahigit 12 oras. Ang pagtatrabaho ng mahigit 60 oras sa isang linggo ay nagdaragdag ng porsiyento ng panganib dahil habang tumataas ang oras ng trabaho ay tumataas din ang panganib.
Sa pag-aaral ay mas mataas daw ang panganib para sa mga babaeng nagtatrabaho ng mahigit 60 oras sa isang linggo o katumbas ng 12 oras sa isang araw at mahigit tatlong beses na maaaring magkaroon ng sakit sa puso, cancer, arthritis o diabetes at mahigit dalawang beses na magkaroong ng sakit sa baga gaya ng asthma.
Maliban sa banta sa kalusugan ay maaari din nating tignan ang magiging epekto nito sa kalusugan sa pag-iisip, stress levels at kapaguran ng mga trabahador. Sa tagal ng pagtatrabaho ay hindi na maging epektibo sa trabaho dahil sa pagod at stress at ito ay maaaring mas malala sa mga may edad ng empleyado.
Isa pang problema sa compressed work week ay hindi magiging akma ito sa lahat ng uri ng trabaho at negosyo. Ipinaliwanag ni Congressman Mark Go, may-akda ng batas, na sa kasalukuyan ay pinapahintulutan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga kompanya na gamitin ang compressed work weeks. Ang kasunduang ito ay magbibigay sa mga employer at empleyado ng flexibility sa pagsasa-ayos ng oras ng trabaho na akma sa rikisito ng negosyo at pangangailangan ng mga empleyado para sa isang balanseng trabaho at buhay.
Kung maipatupad na ang batas na ito ay walang magagawa ang mga empleyado at manggagawa kundi ang piliting sanayin ang sarili sa bagong sistema ng pagtatrabaho at baka sakaling maging matagumpay ito para sa benepisyo ng kapuwa employer at empleyado.                                                                PMCJr.

RELATED POSTS

LATEST NEWS

BAGUIO MARKET EMPLOYEES SUED IN “KWARTAIS” SCANDAL HIKES TO 14

BAGUIO CITY - Three more employees of the Baguio City government assigned at the public market as collectors of arrival fees or ‘kwartais’ were charged with malversation with falsification of public documents and falsification by public officers, jumping to 14 sued in...

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

Adding-attractions to One Town, One Product (OTOP), Mayor Clarita Sal-ongan and indigenous farmers proudly show locally grown ava (taro) product during the opening of the festival held on Sept 26 at the municipal grounds. Tuba officials show unity promoting the...

ZERO BACKLOG ITI KASKASO TI AGRARIO MATAGINAYON ITI DAR ILOCOS

SIUDAD ITI LAOAG – Matagtaginayon iti Department of Agrarian Reform (DAR) iti zero backlog nga estado iti panangipatungpal ti linteg kadagiti kaskaso iti agrario agingga iti maikatlo a kakapat iti daytoy a tawen. Ipatpatungpal ti ahensia iti zero backlog kadagiti...

GREYHOUND OPERATION

GREYHOUND OPERATION

Nagsagawa ng greyhound operation ang iba’t ibang ahensya at gamit ang sniffing dog para alamin kung itinatagong illegal na droga ang mga Persons Deprive of Liberty (PDL) sa loob ng Baguio City Jail Male Dorm. Walang nakitang droga o pharaphernalia at negatibo din sa...

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

Motibo: Land dispute BANGUED, Abra – Natukoy at nadakip na ng pulisya ang apat na suspek na pumatay sa isang guro sa high school na miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, and Queer (LGBTQ) community,sa isinagawang hot pursuit operation,matapos ang krimen...

LOCAL FARMERS CHALLENGED TO PRODUCE ORGANIC PRODUCTS

Tuba’s 7th Ava Festival TUBA, Benguet –Farmers in this town were encouraged to practice organic farming in order to boost and strengthened soil fertility and health benefits of agricultural products. Mayor Clarita Sal-ongan made the call during the Sept. 26 “Kapihan”...

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest