Sa Taon ng Baboy, may kasaganahan kaya sa likod ng mga pagsubok?

Jan 11, 2019

Ang Taon ng Baboy ay positibong taon para sa nakakarami sa 2019 ayon sa mga tanyag na Feng Shui masters. Ang 2019 daw ay napakagandang taon para gumawa ng pera at magandang taon para mamuhunan. Magiging puno raw ito ng kasiyahan, taon ng pagkakaibigan at pag-ibig, isang taon na mapalad dahil ang “Baboy” ay umaakit ng tagumpay sa lahat ng ikot ng buhay. Ang taong 2019 ay panahon ng kasaganahan subalit nagbabala ang mga Feng Shui masters na maging maingat sa mga sobra, lalo na sa sobrang paggastos.
Ang baboy ay itinuturing na isang “Traveling Star” kaya raw mas pasisiglahin ng Year of the Pig ang paglalakbay kaysa ibang mga taon, kaya tiyak na makikinabang ng husto dito ang industriya ng turismo. Gayundin, maghahatid ang taong ito ng bagong umpisa sa international relationships at bagong social order na sa ibang bansa ay maaaring magdulot ng panibagong rehimen at bagong gobyerno. Maaaring hindi malayong mangyari ito sa Pilipinas dahil sa taong ito ay sasailalim ang bansa sa mid-term elections at maghahalal ang taong bayan ng mga bagong lider sa lokal hanggang kamara at senado.
Tila hindi nalalayo ang mga pananaw ng mga eksperto dahil sa kabila ng banta ng nakaraang inflation sa Pilipinas ay nakikinita ng International Monetary Fund (IMF) ang 6.6 percent economic growth outlook sa 2019. Sa kabilang banda ay tinatayang bababa sa 4 percent ang inflation forecast sa gitna ng 6.7 percent na inflation rate noong huling mga buwan ng 2018 sanhi ng mas mahinang piso, mas mataas na excise taxes at tumataas na presyo ng langis sa buong mundo na nagpataas sa inflation.
Ipinakita naman sa Economic Update on the Philippines ng World Bank ang positibong growth direction sa larangan ng sustainability at inclusiveness sa kabila ng pagpupursige ng gobyerno na tugunan ang domestic risks sa pamamagitan ng maingat na fiscal management at napapanahong implementasyon ng tax reforms at public investment programs gaya ng “Build, Build, Build” program ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Tumataas ang infrastructure spending taon-taon sa 44 sa kabuuang 75 proyekto ang naimplementa na. Dahil kilala si Duterte sa kaniyang malakas na political will at lideratong matatag ang kapasiyahan ay nais niya ang agarang implementasyon ng mga proyektong ito lalo na sa mga lugar na may potensiyal sa pamumuhunan ng negosyo.
Ang pagbaba ng kahirapan at ang tantiyang labor rate na 94.6 percent ay nakaambag sa sustainable growth trajectory ng bansa gayundin ang tumataas na populasyon na tinatantiyang aabot sa 106.6 milyon ay magiging kaakit-akit para sa foreign investment dahil sa bata, mataas na edukasyon at masisipag na mga manggagawa. Ang pagtatapos ng infrastructure development na naka-angkla sa public expenditures ay magpapalakas sa business at consumer spending. Gayunman, ang external factors ay magpapatuloy na magbibigay ng walang-katiyakang banta sa global finacial markets.
Ang World Bank 2018 report ay ipinapakita na ang average inflation ay babagsak sa 3 percent sa taong 2019 na nasa target range ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na 2 – 4 percent. Inaasahan din na magiging pangunahing magpapasigla sa paglago ng ekonomiya ang service sector.
Subalit sa kabila ng magagandang hinaharap ng Pilipinas sa taong ito ay ang katotohanang dadaan pa tayo sa pagsubok, gaya ng banta pa rin ng mga kalaban ng estado at ng halalan sa Mayo at ito, higit sa lahat ay siyang magpapatunay na makakamit natin ang mga magagandang prediksiyon at forecast – kung magiging maayos, malinis at mapayapa ang halalan. Higit dito ay makapamili tayo ng mga mas karapat-dapat na mga kinatawan natin sa gobyerno.
PMCJr.

RELATED POSTS

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest