Sablan mayor sinuspinde ang surcharges sa late, unpaid taxes

SABLAN, Benguet – Sinuspinde ng lokal na gobyerno dito ang surcharges para sa late payment ng business at real property taxes upang pigilan ang mga tao na lumabas sa kani-kanilang tahanan upang tumupad ng obligasyon.
Sa ilalim ng Executive Order 33-2020 na inisyu noong Miyerkoles ay sinabi ni Mayor Manuel Munar: “There is a need to suspend the implementation of surcharge or surcharges for late payment, interests on unpaid taxes for the second quarter,” to mitigate or contain the transmission of the coronavirus disease 2019 (Covid-19).
Sinususpinde ng kautusan ang implementasyon ng Revenue Code ng bayan ng Sablan na ipinasa noong 2014. Sa isang panayam ng PNA ay sinabi ni Munar na inuutusan ang taxpayers na manatili sa bahay at limitahan ang paggalaw kasama ang pagbibiyahe, nag-udyok sa kaniya ng mag-isyu ng EO upang maiwasang lumabas ang tao upang bayaran ang business at real property taxes upang maiwasan ang multa.
Sinabi ni Munar na sakop ng kautusan ang taxes due mula Abril hanggang Hunyo 30. “The imposition of the EO would mean lower tax revenue collection but it will ensure the safety and protection of the constituents from the coronavirus disease,” aniya.
Sinabi niya na ang scheme ng pagbabayad ng buwis ay ipapatupad sa susunod na quarter matapos maalis ang community quarantine.
“The imposition of the suspension of the revenue code will only be for the second quarter,” ani Munar. Ang bayan ng Sablan ay isang fifth-class municipality at halos dumedepende sa Internal Revenbue Allotment (IRA) na tumatanggap ng PhP79 milyon at ang minimal internal revenue generation mula sa buwis ng maliliit na negosyo at real property taxes.
Karamihan ng residente sa bayan ang mga magsasaka. Hanggang sa sinusulat ito ay nananatiling walang kaso ng COVID-19 ang bayan ng Sablan.
DDjr.-PNA/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon