Habang papalapit na ang eleksiyon…papalapit din tayo sa mga bangin kung saan tayo ibabagsak. Kaya timbanging maigi ang mga putik na isinasaboy baka tayo ay maisamang matangay. Pag sinabing puti..tiyak may tama, may mali at marami ang gawa-gawa lamang na hindi katotohanan. Maaring mapanlinlang ang mga isinasaboy na putik depende raw sa laki na pabulsang-lagay ng mga pulitiko. Sumabay tayo sa kanilang sabuyan: Marami na ang
nanggigigil sa tindi ng mga sabuyan ng putik. Pang-nasyonal pa lang kasama ang party list ang upakan.
Ano pa kaya kapag nariyan na ang mga kandidatong-lokal? Parang nasisinghot na naming luluwang na naman ang teynga ng marami dahil sa laki ng mga isisiksik na mga kakuwanan para lamang makilala ang mga kumakandidato. Dalangin ng marami, SANA’Y MAGING TOTOO SA KANILANG MGA SARILI sinuman ang kumakandidato. Matindi ang mga babala ng Comelec sa mga kandidato at partido pulitikal hinggil sa pagpapaskil ng kani-kanilang mga campaign materials. Ilagay lamang ang mga ito sa “common areas” na itinalaga sa bawat barangay.
Huwag magpasak sa mga punongkahoy at ipaalam sa mga may-ari ng lugal bago maglagay ng campaign material. Tapik-lokal: iwasan ang “tapalan”. Ito ang ugaling tinatapalan ng bagong materyal ang dati nang nakakabit sa
poster areas. Ang ibang modus ay inaalis o sinasalaula ang nakakabit na tapos maglalagay ng kanila. Gawain ito ng mga taong nabayaran ng kung sino-sinong demonyo para daw sila lang ang makarating sa langit. Hoy, tigil baka kayo malaglag sa purgatory at mapupurga kayo roon ng kumukulong asupre at nag-aapuy na paligid.
Kondenahin natin ang mga mapanirang paraan ng pagpapakilala lalo na ang pananakot upang sumuporta. Suriin at kilatising maigi. Ang sisi at laging nasa huli. Nakakatakot ang pinakahuling pangyayari sa West Phil. Sea kung saan muntik nang nagkasagian ang dalawang choppers ng Pilipinas at ng Tsina. Maryusep..kung sakaling nagtamaan yong dalawa …ano kaya ang mangyayari? Aba’y talagang grabe na ang pambubully ng Tsina sa atin, sabi ng marami. Mantakin mong nakakaaligid na sila sa malapit ng mga baybayin ng Pangasinan at Ilokos?
Ituro niyo sa amin kung saan pa kami puwedeng lumihis at magbanat ng sinturon bago mapigtas at tiyak na gulo na ang susunod. Grabe na itong pang-aasar na ginagawa sa atin. Maraming malalaking bansa na ang nakakasaksi sa
mga kaganapan at tiyak na makikialam ang mga ito sakaling titindi pa ang tensiyon. Hindi lingid sa mundo na hindi lang Pilipinas ang binub ully ng Tsina. Nariyan pa ang Vietnam, Taiwan, Indonesia, at Malaysia na maaring may sarili ding paghahanda na sakaling anuman ang mangyari. Sabi nga ng mga analyst: ang maliit na bato ang nakakapuwing.
Vice President Sara naghain ng petisyon hinggil sa nalalapit na Impeachment trial. May kaba daw sya ayon sa ilan. Hati ang reaksyon ng bayan. Pero ang tiyak, malaking pera ang gagamitin para sa proseso ng impeachment. At sa nasabi naman na ipapatay ni dating President Duterte ang 15 na kongresista, may nagsabing biro lang daw nya. May
nagsasabi din na eto ay seryosong bitaw na dapat tuonan ng pansin. Kakapagtaka, bakit ba ang bilis magsambit ng salitang “patay” ang mag-amang eto. Bato-Bato sa langit.
HAPPY PANAGBENGA sa lahat! Adios mi amor, ciao, mabalos!
February 22, 2025
February 22, 2025
March 22, 2025
March 22, 2025
March 22, 2025
March 22, 2025