Upang higit pang mapalaganap ang kapayapaan at lalong mapahusay ang pagbibigay ng impormasyon sa komunidad ay nalikha ang Station Advisory Council (SAC).
Ang SAC ang magbibigay ng kaalaman para sa pagtataguyod ng mga ordinansa at batas sa kapulisan at kalipunan ng 128 barangays.
Pinanumpa ni Baguio City Police Office Director PSSupt Ramil L. Saculles ang mga opisyal ng SAC na sina Chairman Patricio Evangelista representing Transport sector, Vice-Chairman Rhey Delmendo para sa Local Government Unit, Secretary Emelyn Benitez ng Business sector, Treasurer Evangeline Tomas ng Women sector, In Charge SAC Secretariat Donna Digna Rosario at Atty Dan Estioko na kapwa kinakatawan ang Academe sector, Kagawad Ester Wagang para sa Senior Citizen sector, Punong barangay Joseph Basinga sa Youth Sector at Broadcast Radio Z-Radio announcer Mary “Dungo” Perkins Langpaoan at Print Senior Reporter ng Amianan Balita Ngayon Mario D. Oclaman sa Media Sector ay nagkakaisang magbibigay ng mga impormasyon para sa pagpapalawig ng mga kaalaman ng bawat sektor.
Samantala, nagsagawa ng Tanod Enhancement Dialogue sa Guisad Central barangay noong July 23, 2017 na dinaluhan ng ilang Punong Barangay at officials para talakayin ang mga suliranin sa kani-kanilang nasasakupan na kasangkot rito ang mga taong gumagawa ng mga katiwalian sa barangay ay itinuturo kung paano ang sistema at pamamaraan ng pag-aresto ng mga barangay tanod na hindi makakasagabal sa human rights.
Kasama rin ang ilang kapulisan ng Police Regional Office-Cordillera Police Station 2 na nangunang ipinahayag ni Police Chief Inspector Gil B. Imado ang benepisyo ng mga Tanod at sa kanilang pagganap ng kanilang tungkulin.
Ipinaliwanag ni SAC Vice-Chairman Delmendo ang kahalagahan na pairalin ang warrantless arrest at kung paano paninindigan at ipaglalaban ang karapatang pantao na madalas na nagiging problema ng mga tanod sa mga barangay kung paano gamitin ang tamang pag-aresto upang hindi masabit sa karapatang pantao. ABN
July 30, 2017
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024