SAFETY PROTOCOLS PINAIGTING SA BURNHAM LAKE

BAGUIO CITY

Mahigpit na ipapatupad ng city government ang pagsusuot ng life vest sa mga taong gusting mamngka sa Burnham Lake, bilang safety measure,matapos ang insidente ng pagtaob ng bangka noong Marso 24,na lulan ng pitong katao,kabilang ang isang bata, na pawang turista at isang operator. Ayon kay City Administrator, Engr. Bonifacio Dela Peña, ang ganitong insidente ay magsisilbing senyales para sa mga boat concessionarie na kinakailangan na nilang magpatupad ng safety measures para sa mga sasakay at operator ng bangka, upang masigurado ang kaligtasang ng mga ito.

Aniya, ang Burnham Lake ay isang silt lake, na ang tubig sa lawa ay nanggagaling sa ilalim ng bukal kaya malambot ang nasa ilalim nito at kahit isang metro ang lalim nito na maaari pa ring malunod ang isang tao dito. “Kaya minamabuting magkaroon ng safety measures at safety gadgets sa Burnham Lake,para hindi na maulit ang insidente.” Isinulong ngayon ni City Councilor Isabelo Cosalan Jr.,ang ordinansa na nagpapatupad na dapat magsuot ng life vest ang mga lokal o turistang sasakay sa bangka, ang sinumang hindi sumunod sa panukalang ito ay magmumulta, ito ay na
aprubahan noong Marso 27.

Ayon naman kay Michael Cayunda, boat operator, pagkatapos ng nasabing insidente ay agad nilang binalik ang life vest upang maiwasan ang ganoong pangyayari. “Nag alternate po kami ngayon, this week po ay puro mga bata lang ang pwede naming isakay at next week naman po ay puro adults” dagdag ni Cayunda. Sa pagtutulungan ng concessionaire at ng lokal na pamahalaan ng Baguio City, ay masisigurado ang kaligtasan ng mga lokal at turista na nagnanais na masilayan ang ganda ng Burnham Lake at maranasan ang water activity dito.

Vina Pillar-UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon