“SALAH”

Pinangunahan ng isang Imam o lider ng isang Muslim Community na si Jamael Usodan ang pagsagawa ng “Salah” o isang panalangin ng mga Muslim pagpatak ng alas-siete ng umaga noong Miyerkules sa Baguio Athletic Bowl.
Pagkatapos ng pagsagawa ng Muslim Prayer ay hudyat na upang makinig sa mga salita mula sa Imam. Nabanggit ni Usodan na lubos silang nagpapasalamat kay Allah dahil nagkaroon ng magandang panahon at hindi bumuhos ang ulan.
Puno ng pasasalamat at pagpupugay ang kanyang nabanggit sa pagtatapos ng selebrasyon ng Ramadan sa lungsod ng Baguio.
 
Paul Brian Tulioc Baldoza, UC Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon